Inside Showbiz may pa-Stud Party!

MANILA, Philippines - Kahit malakas ang ulan ngayong August, hindi na mapipigilan ang paglabas ng mga hottest men sa Inside Showbiz Stud Party!

Kasabay ng Hottest Men Issue ng Inside Showbiz ngayong Agosto, magkakaroon ng isang mala­king party kasama ang ilan sa mga matitikas at naggu-guwapuhang mga lalaki. Sa Agosto 16, bubuhayin ang mga pantasya ang mga hot men sa Excess Superclub.

Ang Inside Showbiz Stud Party ay isang espes­yal na event para sa mga supporters ng magazine. Magkakaroon ng iba’t ibang nag-iinit na fashion show segments ang mga hot men.

Punta na at may chance pang manalo ng mga prize sa raffle at sa pagsali sa mga game.

Ipakita lamang ang August 2012 Hottest Men Issue ng Inside Showbiz, kung saan si Sam Milby ang nasa cover, para makapasok sa event. May bentahan ng mga magazine sa venue para sa mga nais manood ng concert.

Ang Inside Showbiz Stud Party ay magaganap sa Timog, Quezon City. Ang event ay magsisimula ng 9 p.m. 

Ang Inside Showbiz ay publikasyon ng One MEGA Group.

Para sa mga latest updates, pumunta lamang sa www.insidepinoyshowbiz.ph. Like Inside Showbiz sa Facebook <www.facebook.com/insideshowbiz> o kaya ay follow Inside Showbiz on Twitter <www.twitter.com/inside_showbiz> para sa mga karagdagang detalye.

Show comments