Bagong talk show ng TV5 grabeng manira sa kanilang blind item

Hindi Kapuso ‘yung binanatan ng bagong programang The Latest nung isang araw sa kanilang blind item pero ganun pa man nakaramdam ako ng awa sa kabataang artista na nasa likod ng blind item na alam mong nagsisikap mapabuti ang kanyang craft at makilala sa mundong kanyang pinili para lamang masira ng ganun-ganun na lamang.

Maghinay-hinay naman kayo at nagbigay ng paggalang  sa  mga pagsisikap ng iba na mapabuti ang kanilang trabaho. Kung may gusto kayong siraan, bakit ‘di kayo humanap sa sarili n’yong kampo?

I’m sure may mga malasado rin kayong talent. Tutal blind item din naman.

Ibang celebrities hindi ipinagmakaingay ang pagtulong

Hindi man nila ipagmakaingay pero marami tayong mga celebrities ang nagpapakain ng mga  tao sa evacuation centers. Kundi lugaw ay maiinit na sabaw ang dala-dala nila para sa mga taong kinailangang lisanin ang kanilang mga tahanan para iligtas ang kanilang buhay at ng pamilya.

Muli, nakikita na naman ang kabayanihan ng mga Pilipino, lalo na ang mga hindi naman nakaririwasa pero, bukal sa loob na tumulong sa mga nawalan ng bahay at buhay.

Matagal na panahon ang kakailanganin para tayo makabangong muli. Sana huwag kayong manghinawa sa inyong pagtulong. Kahit gaano pa katagal abutin, huwag tayong mapagod sa pagbibigay ng ating panahon at tulong sa mga nasalanta.

Dingdong  hindi magkangdaugaga sa rami ng trabaho

Kapag may nababalitaan tayong artista na pumapasok sa pulitika, sinisiraan natin. Sinasabi nating ginagawa nilang ekstensiyon ang pulitika dahil hindi na sila sikat, nawawalan na sila ng project. Pero ang dami-daming kumukumbinsi kay Dingdong Dantes na maging pulitiko rin. At kahit patuloy itong tumatanggi, patuloy din ang panghihikayat sa kanya ng marami. Eh hindi nga siya magkandaugaga sa rami ng kanyang trabaho.

Pero bilib ako sa iyo Dong. Talagang consistent ka sa pagsasabing ayaw mo. At sana mapangatawanan mo ito. Nakatutulong ka naman kahit hindi ka pulitiko.

Show comments