^

PSN Showbiz

Mga nabiktima ng baha nabuhayan ng loob kay Marian

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Kasali si Marian Rivera sa listahan ng mga celebrity na nagbigay ng relief goods sa mga nasalanta ng baha.

Personal na pinuntahan ni Marian ang mga biktima ng baha noong Miyerkules at kahapon. Malaking bagay para sa flood victims na makita ang mga artista dahil nabubuhayan sila ng loob at pag-asa.

Hindi nawawala ang mga tao na bumabatikos sa mga artista na lantaran ang pagtulong. Sila ang mga tao na walang kuwenta dahil hindi na nga nakakatulong sa mga needy, sila pa ang nangunguna sa pamimintas sa mga nagmamagandang-loob sa kapwa. Huwag sanang dumating ang araw na sila naman ang mangangailangan ng tulong dahil nasalanta sila ng kalamidad.

Regular programming balik na sa normal

Back to regular programming kahapon ang mga TV network dahil huminto na ang malakas na ulan at nawala na ang baha sa maraming lugar pero hindi pa tapos ang problema ng mga naapektuhan ng kalamidad.

Umpisa pa lang ng kanilang kalbaryo dahil marami ang nawalan ng mga tahanan at kagamitan. May mga nagkaroon ng sakit, lalo na ang mga tao sa mga evacuation center na nagkahawahan na.

May mga artista na pinasok ng tubig baha ang mga bahay pero hindi ko na sasabihin ang mga pangalan dahil baka hindi naman nila gustong malaman ng publiko ang mga nangyari sa kanila.

Magtuluy-tuloy na sana ang pagganda ng panahon at huwag nang maulit ang nangyari noong Martes. Walang bagyo sa ating bansa pero matin­ding pinsala ang iniwan ng habagat na epekto ng isang malakas na bagyo sa China.

Ang sabi ng PAGASA, makakaranas pa ng mga bagyo ang ating bansa pero sana naman hindi na kasinglakas ng naranasan natin nitong mga nagdaan na araw.

Wish ko lang, hindi makalimutan ng mga Pinoy ang mga aral na dapat matutunan mula sa recent calamity na bumisita sa Pilipinas.

Likas na napakaigsi ng memorya ng mga Pilipino pero sa natikman ng lahat noong Martes at Miyerkules, dapat nang pahalagahan ang kalikasan. Napaka-simple ng gagawin, maging responsable sa pagtatapon ng basura, huwag nang gumamit ng mga plastic bag, iwasan ang pagputol sa mga puno, at magtanim ng mas maraming puno.

Elmo at Julie Ann panay ang pag-iikot

Next week na ang showing sa mga sinehan ng Just One Summer pero hindi pa nagpapatawag ng presscon ang GMA Films.

Mabuti na lang masipag sina Elmo Magalona at Julie Ann San Jose sa pag-iikot sa lahat ng mga programa ng Kapuso Network para i-promote ang launching movie ng kanilang love team.

Sunud-sunod din ang airing sa GMA 7 ng trailer ng Just One Summer na pang-tag-init ang title pero rainy season ang playdate. Araw ng suweldo ang showing ng pelikula nina Elmo at Julie Ann kaya naka-reserba na ang pambayad sa sinehan ng kanilang fans.

Unitel at Studio 5 maagang nag-promote

Maagap ang producers ng Unitel Productions at Studio 5 dahil nagkaroon agad sila ng presscon para sa mga artista ng I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila, isang buwan bago ito ipalabas sa mga sinehan.

Sa Aug. 29 pa ang playdate ng musical movie of the year pero kaliwa’t kanan ang publicity ng I Do Bidoo Bidoo. Hindi lamang ang mga artista ng pelikula ang nakausap ng mga reporter dahil ihaharap din sa kanila ang mga produ ng pinaka-ambitious project ng Unitel Productions at Studio 5.

DAHIL

ELMO

ELMO MAGALONA

I DO BIDOO BIDOO

JULIE ANN

JUST ONE SUMMER

PERO

UNITEL PRODUCTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with