Operation bayanihan ng GMA tumatanggap din ng tulong

MANILA, Philippines - Para sa mga nais tumulong sa ating mga kababayang nasalanta ng matin­ding pag-ulan at pagbaha, bukas po ang Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation. Tumawag lang sa Telethon hotline 981-1950 o sa Kapuso Foundation hotline 928-4299. Bukas ang aming linya mula 6 a.m. hanggang 9 p.m. 

Para sa mga nais magbigay ng materyal na donasyon gaya ng ready to eat food, bigas, pagkaing de-lata, bottled water, banig, kumot, gamot, maaa­ring itong dalhin sa tanggapan ng GMA Kapuso Foundation, 2nd floor, Kapuso Center, GMA network drive cor. Samar Street, Diliman, Quezon City.

Para sa cash donation, maaari rin po kayong mag-deposito sa anumang branch ng Metrobank, UCPB at Cebuana Lhuillier. Wala pong service fee na ibabawas sa inyong donasyon patungo sa GMA Kapuso Foundation. Narito ang detalye para sa mga cash deposit: http://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/pressreleases/2012-08-07/60/Panawagan-mula-sa-GMA-Kapuso-Foundation-Inc

Luna Blanca mas umiinit ang mga eksena

Hindi natuwa si Luis nang makita si Rowena. Buong akala niya ay totoong pinagtaksilan siya nito kaya ipagtutulakan niya si Rowena.

Magpapaliwanag si Rowena pero hindi siya paniniwalaan ni Luis.

Mapapahiya si Luna kay Aki dahil sa scheme ni Ashley. Mapapagalitan din si Luna ni Donya Consuelo.

Magagalit si Blanca kay Luis dahil sa ginawa nito kay Rowena.

Kokomprontahin at aawayin ni Blanca si Luis.

Magugulat pareho sina Blanca at Luis sa rebelasyon ni Rowena na mag-ama sila!

Tatakbo palayo si Blanca. Sumama ang loob niya kay Rowena dahil tinago nito ang katotohanan na tatay niya pala si Luis.

Magso-sorry si Luis kay Blanca dahil sa nagawa nito kay Rowena.

Mabubuo na ang pamilya nina Blanca. Magiging masaya sila.

Ipapasyal pa ni Luis sina Rowena at Blanca. Excited naman si Blanca dahil nakakasama na niya ang tatay niya.

Magi-guilty si Luis dahil hindi niya maamin sa mag-ina niya na kasal na siya kay Divine.

Gagawa ng paraan si Ani para magbati ulit sina Luna at Aki.

Isang malaking surprise ang hinanda ni Aki kay Luna. Mata-touched si Luna sa gesture ni Joaquin.

Magbabalik na si Divine at hindi ito alam ni Luis.

Gustong aminin ni Luis kay Rowena na may asawa na siya.

Mas nagiging mainit ang tagpo gabi-gabi sa Luna Blanca ng GMA 7.

Pinakamagaling na choir hinahanap na sa MBC National Choral competition!

Sino ang kakatawan sa Pilipinas sa Manila international choral festival na gaganapin sa isang taon?

Ang paghaharap ng pinakamagagaling na mga choir sa buong bansa sa pagtatanghal ng 2012 MBC National Choral Competition na siyang buod ng taunang selebrasyon ng Paskong Pinoy ng Manila Broadcasting Company. 

Hindi kaila na kaliwa’t kanan ang pagwawagi ng mga Filipino choirs sa iba’t ibang bansa. Kailan lamang ay nagwagi ang Samiwang Singers ng Laoag at Miriam College High School sa World Choir Games na ginanap sa Cincinnati, Ohio. At ang mismong grupong bumubuo ng panungkulan ng World Choir Games – ang Interkultur Germany - ay katuwang ng MBC sa pagtatanghal ng Sing & Joy Manila sa 2013, na magsisilbing showdown ng pinakamatinding choral groups mula iba’t ibang bansa. 

Para sa 2012 MBC National Choral Competition, ang mga regional elimination ay gaganapin sa Cauayan, Isabela (August 11), Baguio (August 18), Lingayen (August 19), Cebu (August 25), Davao (September 2), Iloilo (September 8), Zamboanga (September 15), General Santos City (September 22), at Naga (October 13). Ang mga taga-Metro Manila at karatig na pook ay maaring mag-audition sa Star Theater sa Oktubre 6 at 7, mula alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon. 

Ang national finals ng 2012 MBC National Choral Competition ay ganapin sa December 3-7 sa Aliw Theater. P150,000 ang nakalaan sa open ca­tegory champion, samantalang P100,000 naman ang iuuwi ng magwawagi sa children’s division.   Para sa mga contest mechanics at iba pang detalye, mag-email sa siouxstar@gmail.com o tumawag / mag-text sa 0932.330.2636.

Show comments