Pareho nang recording artists ang GMA Artist Center talents na sina Bea Binene at Barbie Forteza. Tuwang-tuwa ang dalawa’t hindi inisip na darating ang araw na magkakaroon sila ng album.
Mauunang i-release ang Hey, It’s Me Bea album under PolyEast Records dahil August na ang launching. Ayaw ipaalam kung ilang tracks meron ang album na ang remake ng Urong Sulong ni Regine Velasquez ang carrier single.
Malakas na “yes!” at may kasunod na high five ang sagot ni Barbie nang tanungin namin kung gagawa rin siya ng album. Dream come true raw ito sa kanya, kaya malaki ang pasasalamat sa MCA Records na nagtiwala sa kanya. Bandang October pa magsisimulang mag-record si Barbie dahil pinaghahandaang mabuti ang songs na isasama sa album.
Nakuwento ng mom ni Barbie na may kinalaman si Greyson Chance kung bakit kinuhang recording star ng MCA ang young actress. Nakita si Barbie nang dumalo sa presscon ni Greyson Chance nang mag-concert ito rito at doon nagsimula ang lahat.
Kinu-consider ni Barbie na birthday gift ang ire-record na album kahit noong July 31 pa ang birthday niya at sa October pa siya magre-recording. Excited na itong makita ang songs na kanyang ire-record.
Samantala, this week na magkikita uli sina Blanca (Barbie) at Luna (Bea) sa Luna Blanca malalaman na rin ni Blanca na si Luis ang ama niya. Ang aabangan ng viewers ay kung paanong magiging sina Blanca at Kiko (Derrick Monasterio) at Luna at Aki (Kristoffer Martin).
Fil-Croatian malakas ang laban sa Artista Search
Isa sa malakas ang laban sa Artista Academy ay si Mark Neumann, 17 y/o, Fil-Croatian, born and raised in Germany. Ang ama niya ang Pinoy at Croatian ang inang namatay na. Pero dahil tumira sa Batangas at dito pa nagtapos ng high school kaya marunong itong mag-Tagalog.
Tapos ng one-year course na BTEC First Travel and Tourism level 2 si Mark at Flight Attendant ang magiging trabaho. Kapag siya ang nanalong best actor at mag-uwi ng P10 million, tatapusin niya ang bahay nila sa Batangas. Puro hallow blocks, no ceiling and windows pa raw ang bahay dahil hindi makapagtrabaho ng husto ang ama’t may sakit sa puso.
Sina Sophie Albert at Shaira Mae ang type ka-love team ni Mark at puwede niyang ligawan kung sino ang matitipuhan niya dahil hindi bawal ang ligawan sa Artista Academy. Sabi ni direk Mac Alejandre, tuturuan lang sila kung paano ito i-handle.
Protégé ni Jolina galing sa mayamang pamilya
Isa sa protégé ni Jolina Magdangal mula sa Visayas ang Fil-Austrian na si Zandra Summer. Naalala namin ang 18-year-old lass nang mag-audition sa Protégé: The Battle for The Big Artista Break dahil kasabay niya ang kapatid at GF nito, pero ‘di pumasa ang brother niya at ang GF nito, hanggang first base lang yata ang narating.
May hawig si Zandra kay Megan Young at bata pa, dream na ang maging artista. HRM student siya sa University of San Carlos at dahil sa Protégé, nag-stop muna siyang mag-aral.
For a change, walang sob story si Zandra, siguro dahil may money lending business sila at happy ang parents niya na nakapasok siya sa contest.
Rachelle Ann at Kean mabilis naghiwalay
Showing sa September ang Viva Films movie na Of All The Things nina Aga Muhlach at Regine Velasquez. Dagdag na pang-promo ng movie na sina Kean Cipriano at Rachelle Ann Go ang kumanta ng theme song na sabi’y naging mag-on.
Sana kasama sa presscon ang dalawa para maurirat sa naging relasyon nila na ngayon lang yata namin nalaman. Curious kaming alamin kung ilang months nagtagal ang kanilang relasyon at iba pang bagay.
Ibig sabihin, malakas ang attraction kay Rachelle ng guys na kumakanta dahil pare-parehong singers sina Christian Bautisa, Gab Valenciano at Kean.