^

PSN Showbiz

Mga mentors ng Protégé kanya-kanyang pasiklaban

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Ipinakilala na rin formally sa first live gala night ang Top 20 aspirants ng Protégé The Battle for the Big Artista Break ng GMA 7 na linggu-linggo ay maglalaban-laban para makapili ng isang lalaki at isang babae na huhusgahan ng apat na hurado na binubuo nina Joey de Leon, Cherrie Gil, Bert de Leon, at ang  pangulo ng GMA Network Films na si Atty. Annette Gozon-Abrogar para sa karapatang maiuwi ang P12 M worth of cash prizes at isang management contract sa GMA 7.

Ang Top 20 aspirants ay pinili ng limang mentors na ginalugad ang buong bansa para sa isang nationwide hunt para makapili ng tig-dalawang babae at lalaki na sasanayin nila. Sa Mindanao na-assign si Phillip Salvador, sa Visayas naman pumunta si Jolina Magdangal. Si Ricky Davao ay inabot ng kanyang paghahanap sa Northern and Central Luzon, si Gina Alajar sa Southern Luzon at si Roderick Paulate sa Mega Manila.

Apat ang magsisilbing host ng Protégé – sina Car­­­la Abellana, ang Journey Host; Dingdong Dan­­tes, Live Gala Presenter; Jennylyn Mercado, In­­side Protégé host at si Maxene Magalona, Protégé Webjock.

Ang limang grupo ng kabataan ay hinati sa pa­ma­­magitan ng kulay sa kanilang pormal na presentas­yon. Dilaw ang kulay ng grupo ni Ricky, berde ang kay Roderick, pula ang kay Phillip, lilac ang kay Jo­lina at asul kay Gina.

Hindi nagpayabangan ang 20 na kalahok sa kanilang unang pagsalang sa media. Mas naging mayabang pa ang limang mentors na lahat ay naniniwala na magagaling ang mga napili nila.

Lahat ng aspirants ay artistahin, marunong u­mar­te sumayaw, at kumanta. Sa tatlong talento na ginamit nila sa audition, sinabi nilang may isa silang expertise. Isa o dalawa lamang ang nagsabing magaling sila sa tatlong talentong ipinamalas nila.

Nakahihigit ang bilang ng mga problemadong ka­bataan na naghahangad lamang mag-artista para nakatulong sa pamilya.

Ilan sa mga babae sa 20 aspirants ng Protege ay dumaan sa mga beauty contests kundi ng kanilang probinsya ay sa iskwelang pinag-aralan nila.

Si Shelley Hipolito , 16 ay naging Bb. Cabanatuan. Si Zandra Summer 18, ay dating Mutya ng Cebu. Ang 15 taong gulang  na Boholena na si Mitch Capili ay Miss Little Atunas nung bata siya. At si Reese Tayag, 16, ay Miss Teen Paniqui.

Meron na ring propesyonal sa mga naghangad maging sikat na artista. Tulad ni Apple Vega, 20, ng Dipolog ay isang registered midwife.

Si Kelly D, 15, ng Pasig na sinusuportahan ang sarili niya sa pagiging acoustic singer. Sa mga gigs naman kumikita si Reese Tayag.

KC naduwag sa pa-seksihan

Tama lang marahil na mapalitan si KC Concep­cion ni Andi Eigenman sa pelikulang Nothing Com­pares To You bilang katrayanggulo nina Anne Curtis at Derek Ramsay na ang tema ay katulad ng sa No Other Woman. Bukod sa pagiging abala niya sa maraming bagay na ang isa ay pagiging host ng The X Factor, maraming tagasubaybay at fans ng anak ni Mega ang nag-aalala na baka hindi niya kayanin ‘yung pagiging daring ng kanyang role. Maaring lumaban si KC ng sabayan sa pagsusuot ng mga seksing damit pero, kaya rin ba niya ang mga love scenes at kissing scenes na ire-require ng kanyang role na ginawa before ni Cristine Reyes? Sabihin man niya na oo, payagan kaya siya ng mga fans niya? At her age, itinuturing pa rin na wholesome si KC ng mga tagasubaybay niya. She can pay lip service sa kanyang makakapareha pero, magagawa rin ba niyang intense at passionate ang mga ito?  

Feeling ng mga manonood ay mas mabibigyan justice ni Andi ang mga ganitong eksena kesa kay KC.

ANDI EIGENMAN

ANG TOP

ANNE CURTIS

ANNETTE GOZON-ABROGAR

APPLE VEGA

EACUTE

PROT

REESE TAYAG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with