^

PSN Showbiz

Dingdong hindi pa alam kung magpapakita ng puwet

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Manila, Philippines -  First time pala na nangyari na nagkasama-sama ang buong pamilya ni Dingdong Dantes sa kanyang birthday. “Nabuo ang family ko,” sabi ng aktor tungkol sa katatapos nilang bakasyon sa Hong Kong. Twelve bale sila lahat – parents niya at mga kapatid kasama ang mga asawa. Plus Marian Rivera.

Three days silang nag-stay sa HK at puro pasyal lang ang ginawa nila.

Last August 2 ang kanyang 32nd birthday.

Siyempre, wala pa mang kasalang nagaganap sa kanila ni Marian pero part of the family na ang actress.

Wala pang gift si Marian sa aktor na Protégé Gala Presenter pero ayon kay Dingdong more than enough na ang oras na ibinigay ng girlfriend nang sumama ito sa HK.

“Eh kasi ang dami rin naman niyang trabaho pero nakasama pa rin siya sa amin,” sabi ng aktor na tuluy-tuloy ang shooting para sa Metro Manila Film Festival movie na One More Try kasama sina Angel Locsin and Angelica Panganiban under Star Cinema.

Last year ay Ducati motor ang ibinigay ng actress sa karelasyon.

Maging siya naman ay wala pang naiisip na puwedeng ibigay kay Marian sa birthday nito. “A day before may lumalabas na bright idea. Parang mas simple, mas ok. Pero ngayon kasi parang hindi na masyadong importante ang ganyan,” sabi ng aktor.

Anyway, nakunan ang isang love scene nila ni Angel. “Very professional sila Angel and Angelica. They are equally good in their own rights. Makikita mo ang dedication sa kanila,” papuri niya sa dalawang kasama sa pelikulang ipalalabas sa Pasko.

Pero kahit pareho siyang may love scene sa dalawa, ramdam niyang hindi malaswang lalabas ‘yun bilang Pasko nga ipalalabas ang One More Try.

Wala pa rin siyang idea kung magpapakita siya ng puwet sa pelikula.

No. 1 hairstylist ng HK kasama sa promo ng Ystilo

Ipinagdiriwang ng Ystilo Salon International Franchise Corporation ang kanilang ika-14 taon na anibersaryo. Nakilala ang Ystilo Salon dahil sa magkapatid na sina Vina Morales at Shaina Magdayao na siyang nagpapatakbo ng nasabing negosyo.

Bahagi ng kanilang selebrasyon, magiging bahagi ng Ystilo family bilang Technical Consultant nila ang number one hairstylist mula sa Hongkong na si Mr. Gary Sun. Kilala siya bilang isa sa kilalang hair dressers mula sa mga sikat na top beauty companies sa HK tulad ng Hair Le Salon Orient at Triple Edge Hair. Inaasahan din ang kanyang pagbisita para ibahagi ang kanyang kaalaman sa pagpapaganda.

Isang bonggang treat na Ystylized ay parte ng Ystilo anniversary promo kung saan isang beauty makeover na nagkakahalaga ng P30,000 ang mapapanalunan.

Para sa mga gustong sumali, mag-avail lang ng kahit anong serbisyo, minimum na P150 sa Ystilo Salon outlets.

Nag-umpisa ang promo noong July 15, 2012 hanggang October 15, 2012.

Magkakaroon rin ang Ystilo ng isang re-launch ngayon taon bilang pagpapatuloy sa kanilang commitment na Go for the great salon experience.

Para sa iba pang promo updates, maglog-on lang sa Ystilo’s official website -www.ystilosalon.com, Ystilo Salon sa facebook at YstiloSalon1 sa twitter.

Derek hindi naramdaman sa olympics

Pramis hindi ko pa rin napapanood na nagre-report ng Olympics updates si Derek Ramsay sa TV5.

Sa Twitter ko lang naabutan ang kanyang mga updates.

Naging maingay ang pagko-cover ni Derek bilang ito ang ginawa niyang dahilan kung bakit siya lumipat sa TV5.

vuukle comment

ANGEL AND ANGELICA

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

DEREK

DEREK RAMSAY

DINGDONG DANTES

ONE MORE TRY

YSTILO

YSTILO SALON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with