Naglabas kahapon ng babala si Vic Sotto para sa lahat dahil sa mga masasamang loob na ginagamit ang Eat Bulaga sa panloloko ng kapwa.
Naglabas ng warning ang noontime show people dahil sa dalawang lalaki na hinuli at ikinulong ng mga pulis. Nagpanggap ang mga mhin na konektado sila sa Eat Bulaga kaya nakunan nila ng datung ang isang tindera na naniwala sa kanilang matatamis na dila.
Nadakip ng mga pulis ang mga lalaki nang magreklamo ang babae na natiyempuhan sila matapos ma-getlak ang kadatungan niya.
Aral sa mga tao na nangangarap na magkaroon ng instant money ang nangyari sa babae. Huwag basta-basta maniniwala sa mga hindi kilalang tao na lumalapit sa inyo kahit may mga ID sila. Maging makulit kayo sa pagtatanong at pairalin ang duda kapag may datung na hinihingi ang inyong mga kausap.
Robert Ortega kasama sa no. 1 morning show ng Kapamilya
Happy ako dahil kasali si Robert Ortega sa cast ng Be Careful with My Heart ng ABS-CBN.
Si Robert ang kaibigan ni Robert Yap a.k.a Papa Chen sa serye. Happy ako for Robert dahil No. 1 show ng ABS-CBN ang morning show na kinabibilangan niya.
Marami sa mga kakilala ko ang loyal viewers ng Be Careful with My Heart dahil gustung-gusto nila ang nakakakilig na kuwento ng teleserye na pinagbibidahan din ni Jodi Sta. Maria.
Roderick hindi ginagalaw ang bag ng namatay na nanay
Naging emotional pala si Roderick Paulate nang mag-shoot siya para sa Station ID ng GMA 7 dahil na-miss niya ang kanyang namatay na ina.
Ilang taon na rin ang nakalilipas mula nang mamayapa ang madir ni Roderick pero hanggang ngayon ay hindi niya ginagalaw ang mga gamit ng kanyang mother dear. Pareho sila ni Lorna Tolentino na hindi pa rin ginagalaw ang mga kagamitan ni Rudy Fernandez.
Noong nabubuhay pa ang nanay ni Roderick, regular ang pagbibigay sa kanya ng anak ng allowance o baon na inilalagay niya sa isang bag.
“Hindi ko ginagalaw ang bag dahil kapag ginalaw ko ’yon, ibig sabihin, tinanggap ko nang wala na siya sa buhay ko.
“Masaya ako dahil sa rami ng mga project na ipinagkakatiwala sa akin ng GMA 7. Siguro ipinagdarasal ako ni Mom. Sigurado ako na proud siya sa mga ginagawa ko ngayon. Habang buhay ko siya na magiging inspirasyon,” ang kuwento ni Roderick tungkol sa kanyang ina na miss na miss niya.
Ang Tweets For My Sweet, H.O.T. TV, at Protégé: The Battle For the Big Artista Break ang mga project sa Kapuso Network na tinutukoy ni Roderick. Isa siya sa mga mentor ng Protégé at co-host siya ng H.O.T. TV na nagsimula noong Linggo at nag-win sa ratings.
Kanya-kanya na ng manok sa Protégé
Na-meet ng entertainment press noong Linggo ang Top 20 aspirants ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break ng GMA 7.
May kanya-kanya nang manok ang mga reporter dahil nakaharap at nakausap na nila ng personal ang mga aspiring star. Knows na nila kung sino ang may karapatan na maging artista at malaki ang potensiyal na magkaroon ng name sa showbiz.