May-ari ng Flawless pinarangalan

MANILA, Philippines - Ang International Association of Business Communicators (IABC) Philippines ay naggawad ng parangal sa may-ari ng Flawless na si Rubby Sy, “for being one of the leaders who has achieved the business goals and advocacies through the strategic use of on and off-line communication programs in her business endeavor.”

Pinipili ng IABC, sa pamamagitan ng kanilang taun-taong CEO Excel Awards, ang pagbibigay ng malaking karangalan sa mga top-level business leaders na marunong ng tamang paggamit ng effective communication bilang business strategy.

May 11 years nang tinataguyod ni Rubby ang kanyang negosyong beauty center. Sa ngayon ay may 30 branches na sa buong bansa ang Flawless at lahat ay may magagaling na doktor at staff. Gumagamit din ang bawat klinika ng mga pinakabagong teknolohiya at equipment.

Ang Flawless din ang pinakabatang institusyon o negosyo na ginawaran ng award ng IABC kamakailan sa ginanap na pagtitipon sa Intercontinental Hotel, Makati City. Ang iba pang dumalo’t pinarangalan ay sina Darlene Berberabe ng Home Development Mutual Fund, Susan Ople na isang labor advocate, Philippine National Police Chief Gen. Nicanor Bartolome, Rafael Lopez ng ABS-CBN Global, at Marissa Flores na senior vice president ng GMA News and Public Affairs.

Pahayag ng CEO na si Rubby, “Our goal has always been simple, we want to provide every Filipino the confidence to do more and be the best that they can be, by providing them with the best beauty products and services available out there without having to burn a hole in their pockets.”

Bukod sa mga innovation sa serbisyo at mga produkto, sinisigurado rin ng lady boss na maayos ang samahan nila ng staff para mas maging epektibo sa trabaho. Nagbuo rin siya ng team para sa digital marketing na tututok sa social media sites at sa iba pang pangangailang online.

“It’s important to always set high standards and constantly raise that. This is the only way that we can improve ourselves,” sabi pa ni Rubby.

Show comments