MANILA, Philippines - Tapos na ang matagal na paghihintay. Ipinakilala na ng TV5 ang Artista Academy Top 16 na siyang maglalaban-laban para sa P20 million in total prizes at sa pagkakataong maging best actor at best actress sa pinaka-engrandeng artista search sa bansa.
Mula sa 13,000 na dumagsa sa one-day grand auditions na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum, ang Top 16 na magiging kauna-unahang estudyante ng Artista Academy ay sina Akihiro Blanco (Pasig City), Alberto Bruno (Marikina), Benjo Leoncio (Cebu), Brent Manzano (Quezon City), Chanel Morales (Bacolod), Chris Leonardo (Laguna), Jon Orlando (Quezon City), Julia Quisumbing (Makati City), Malak So Shdifat (Manila City), Mark Neumann (Quezon City), Marvelous Alejo (Valenzuela), Nicole Estrada (Pasig), Shaira Mae (Las Piñas City), Sophie Albert (Mandaluyong City), Stephanie Rowe (Pampanga), at Vin Abrenica (Pampanga).
Bilang mga Artista Academy students, ang Top 16 ay mabibigyan ng full scholarship sa Asian Academy of Television Arts (AATA) para sumailalim sa komprehensibong curriculum-based training sa pamumuno ng mga pinakatitingalang propesyonal sa industriya, kabilang ang multi-awarded director na si Joel Lamangan, ang music master na si Louie Ocampo, at ang dance guru na si Georcelle Dapat of G Force.
Sa grand finals ay iaanunsiyo ng Artista Academy ang best actor at best actress na magwawagi ng P20 million in total prizes at mabibigyan ng lead roles sa isang bagong teleserye ng TV5. Hindi lang sila kikilalanin bilang certified professional actors ’pag natapos nila ang kanilang kurso sa AATA, sila rin ang tatanghaling pinakamayaman sa lahat ng winners sa kasaysayan ng mga talent search sa Pilipinas.
Mapapanood ang Artista Academy mula Lunes hanggang Sabado ng gabi pagkatapos ng Wil Time Bigtime sa TV5. Si Marvin Agustin ang reality host na magbabahagi gabi-gabi ng paglalakbay ng 16 finalists tungo sa kanilang pangarap, habang si Cesar Montano naman ang Live Exam Presentor tuwing Sabado.
Uupo rin bilang Live Exam Critics sina Lorna Tolentino, Gelli de Belen, at ang kilalang film and TV director at TV5 Talent Center head na si Direk Mac Alejandre.