Kaya pala walang gustong mag-manage sa aktor ay dahil pasaway talaga. May isa kasing nirerekomenda sa kanya para mag-manage ng kanyang career.
Sukat ba namang ito ang litanya niya: “Kaya mo ba akong i-handle? Matigas ang ulo ko. Umiinom ako ng alak at ginagabi kasama ng aking mga barkada.”
Right there and then hindi na tinanggap ng lady manager at nag-dialogue ito sa kanya ng “Hindi ko pinangarap na kumuha ng bato at ipukpok sa ulo ko sa kunsumisyon sa kanya.”
Kaya pala hindi naging bida ang aktor sa tinagal-tagal nito sa showbiz. Pang-suporta lagi ang karakter na ginagampanan niya.
Sarah maghihintay sa tamang lalaki
Mabait at masunuring anak si Sarah Geronimo kaya pinagpapala. Ngayong tumigil na sa panliligaw si Gerald Anderson ay ang ina ni Sarah na si Mommy Divine ang itinuturong dahilan.
Nagsalita na ang Pop Princess at inaming hindi ang kayang ina ang nagpatigil kay Gerald sa panliligaw sa kanya.
Ayon sa mag-asawa nang mag-guest sa Sarah G. Live! ay binigyan nila ng permiso ang aktor para makadalaw sa kanilang tahanan. Ayaw ng magulang ni Sarah na sa labas ito liligawan o sa text. Tama lang naman ito, ’di ba?
Marahil ay hindi ito napagtiyagaan ng aktor kaya tumigil na sa panliligaw. Sinabi naman ni Sarah na hindi naman siya nagmamadali at makapaghihintay sa tamang pag-ibig.
Kris umamin nang inuna ang career kesa patulan si Aljur
Balik-tambayan sina Aljur Abrenica and Kris Bernal sa bagong teleseryeng gagawin ng GMA 7. Nabuhayan ng pag-asa ang fans ng dalawa.
Inamin ni Kris na sana’y nagkatuluyan na sila noon bilang mag-dyowa kaya lang hindi natuloy dahil iniisip nito ang kanyang career.
Kung ligawan siyang muli ni Aljur ay may pag-asa na kayang mapasagot na siya ng binata?
Ayon sa magandang aktres, malaki ang tsansa ni Aljur dahil mabait ito. Kilala na rin niya.