PIK: Pakiusap ni Atty. Joji Alonzo sa amin kung puwedeng ma-promote pa rin ang 2012 Cinemalaya Independent Film Festival best film sa Director’s Showcase na Posas.
Pagkatapos ng Cinemalaya, nakakuha agad ng booking ang Posas sa mga commercial theater.
Palabas pa rin ito sa Trinoma, SM Megamall, at SM The Block Cinema 4.
Very positive si Atty. Joji na malayo pa ang mararating ng Posas, at mapapansin ito sa mga international film festival.
Lalong na-inspire tuloy si Atty. Joji sa paggawa ng pelikula kaya may entry din ito sa Metro Manila Film Festival.
Ngayon pa lang ay naghahanda na rin siya ng mga magagandang material na isasali sa Cinemalaya sa susunod na taon.
PAK: Panibagong tandem na naman ang ilo-launch ng GMA 7 sa isang afternoon drama na Sana Ikaw Na Nga.
Remake ito ng drama series nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia na tumagal ng dalawang taon sa ere.
Ang gaganap nito ngayon ay sina Mikael Daez at Andrea Torres na nakakaramdam na ng pressure sa malaking challenge na ibinigay sa kanila ng GMA 7.
Ang kaibahan lang nito ngayon, medyo mature na at daring ang role na gagampanan nila na bumagay naman dahil sexy naman sila.
BOOM: Hindi napigilan ni Zsa Zsa Padilla ang maluha nang muling napag-usapan ang pag-move on sa pinagdaanan niya pagkatapos pumanaw ni Dolphy.
Nakatsikahan namin ito sa presscon ng I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila na magsu-showing na sa Aug. 29 at naikuwento nitong nung kamakalawa lang ay hirap na hirap siya kung paano malagpasan ang kalungkutan habang namimili siya sa paboritong grocery nila ng Comedy King.
Ang isa pang inaalala niya ngayon ay ang karamdaman niyang matagal na pala niyang iniinda.
Hindi na gaanong nagpa-function ng tama ang kanyang kidney na kung saan may tumubo na nodules. Nakailang checkup na siya at ganun pa rin ang findings kaya nag-suggest si Dr. Vicki Belo na mag-check up sa Amerika for second opinion.
Kasama kasi si Zsa Zsa sa launch doon sa Amerika ng bagong ZO line ng Obagi ng Belo Medical Group kaya magpapa-check up siya roon at urologist din ni Dolphy.
Hangad lang ni Zsa Zsa na sana hindi naman ganun kalubha ang findings dahil hindi niya maisip na siya na naman ang aalagaan at babantayan ng kanyang mga anak.
“Feeling ko katatapos lang nilang mag-alaga sa magulang nilang may sakit. Sana hindi naman lumala ’yung kondisyon ko na may babantayan na naman sila kasi nakakaawa naman sila. Sana huwag namang umabot sa babantayan na naman nila ako kasi katatapos lang nila sa papa nila,” mangiyak-ngiyak na pahayag ni Zsa Zsa.