Seen : Ang oath taking ni Aga Muhlach sa Liberal Party noong Biyernes.
Starstruck kay Aga ang mga bagong member ng LP.
Scene : Hindi naniniwala si Aga Muhlach na marumi ang mundo ng pulitika dahil nagiging marumi lamang ito kapag marumi ang tao.
Seen : Tahimik na nakamasid at nakangiti si Charlene Gonzales habang nanunumpa si Aga Muhlach kay DOTC Secretary Mar Roxas.
Perfect politician wife si Charlene dahil hindi siya maepal.
Scene : Matutuloy ang remake ng Pusong Mamon.
Hinihintay lamang ang script ng pelikula na muling pagbibidahan nina Eric Quizon, Lorna Tolentino at Albert Martinez.
Seen : Nag-celebrate ng 9th birthday sa London noong Biyernes si Lorin Gabriella, ang panganay nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas.
Kasama ni Lorin sa London trip ang kanyang ina at kapatid na si Venice.
Scene : May kilig factor ang team up nina Denise Laurel at Martin del Rosario sa Pintada.
Seen : Si Bela Padilla ang bida sa Magdalena, ang afternoon drama series ng GMA 7 na ipapalit sa Faithfully.
Sa October ang airing ng Magdalena.
Scene : Ngayong gabi ang VIP screening ng The Bourne Legacy sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.
By invitation ang VIP screening ng Hollywood movie na kinunan ang mga eksena sa Pilipinas.