MANILA, Philippines - Sa pakikipagtulungan sa Star Studio Magazine, ginanap ang ika-tatlong Star Magic Games noong July 29 sa Celebrity Sports Club. Isa lamang ito sa selebrasyon ng ika-20th anibersaryo ng Star Magic kung saan nagsama-sama ang halos lahat sa mga artista ng ABS-CBN.
Nag-umpisa sa parade ng apat na koponan na pinangunahan ng mga team captains na sina Xian Lim, Zanjoe Marudo, Rayver Cruz at Gerald Anderson kasama ang mga naggagandahang mga muses na sina Bianca Casado at Yen Santos ng Yellow Team, Jessy Mendiola at Empress ng Green Team, Michelle Vito at Coleen Garcia ng Blue Team at Kathryn Bernardo at Julia Montes ng Red Team.
Sina Robi Domingo at Pokwang ang natokang mag-host ng event. Si Bryan Santos ang nanguna sa opening prayer na sinundan ng national anthem na kinanta ni Yeng Constantino. Nagbigay ng opening remarks ang Star Magic main man na si Piolo Pascual at sinundan ng sportsmanship oath ng Sea Games Gold medalist na si Japoy Lizardo. Opisyal na nagbukas ang 2012 Star Magic Games sa pangunguna ng ABS-CBN Publishing Head na si Ernie Lopez at ang Star Magic head na si Mr. M ang nag-ceremonial toss. Bago nagpunta ang mga stars sa kani-kanilang mga laro, nag-perform ang De La Salle Pep Squad at nagkaroon ng warm up exercises ang Toby’s Zumba instructor na si Pepper Lozada.
Red Team ang tinanghal na over all champion at 1st placer ang Yellow Team na kapwa nanguna sa basketball, volleyball, joust, dodgeball at tug of war. Ang Green Team ang naging 2nd place at 3rd place naman ang Blue Team.
Muling tinanghal na Most Valuable Player sa ikatlong pagkakataon si Gerald Anderson. Maliban pa sa pag-uwi ng special awards bilang Newton Fastest Athlete at Three Point King. Sina Zanjoe Marudo at Young JV naman ang mga runner ups sa nasabing kategorya. Si Kim Chiu ang naging awardee ng Most Games Played Award at ang Lorenzo’s Time lead star na si Zaijian Jaranilla ang nakakuha ng Generika Liksi Award.