Isa ako sa naniniwalang hindi ang kaabalahan nina Matteo Guidicelli at Maja Salvador ang dapat magresulta sa kanilang split o break-up. Napakababaw na dahilan naman ‘yun para ang isang very promising relationship.
Pero ang pagiging abala nila pareho, lalo na ni Matteo, sa sport, ang sinabi ni Maja, sa isang interview niya sa Kris TV, na dahilan kung bakit nawawalan sila ng athlete/actor boyfriend niya ng panahon sa isa’t isa. Ito rin ang dahilan na pinaniniwalaan ng lahat sa sinabing break up at split nila.
Abala si Matteo, bukod sa kanyang karera sa showbiz, sa pag-pursue sa triathlon, isang sport involving 2 km. swimming, 90 km biking at 21 km running. Ang training niya rito at practice ang kumakain ng kanyang oras. Nakatulong pa para siya magpursige ang naging panalo niya sa sinalihan niyang triathlon competition kamakailan.
Sa badminton na lamang siya nakapag-participate sa ginanap na Star Magic Olympics sa takot na magkaroon ng injury dahil may pinaghahandaan na naman siyang triathlon competition.
Alden nahuhumaling kay Sarah
Sa ganda ng loveteam nina Alden Richards at Louise delos Reyes walang pakialam ang kanilang mga fans kung may iba silang interest pagdating sa kanilang lovelife.
Si Louise, gaano man niya itago o ipagkaila ay may special relationship kay Enzo Pineda. Si Alden naman ay hindi nagmamaliw ang pagkagiliw kay Sarah Labahti sa kabila ng mga balita na nakikipagmabutihan na ito kay Richard Gutierrez.
“Wala naman akong oras para magkaroon ng lovelife. Sobra akong busy, ni hindi ko magawang makapanligaw,” anang batang aktor na MWF ay nagti-taping ng One True Love, T-Th ay nasa workshop siya. Ang Sabado’t Linggo naman niya ay ginugugol niya para sa Party Pilipinas.
“Sino’ng girl ang tatanggap ng ganitong arrangement. Ni kahit mag-text ay baka hindi ko na magawa,” dagdag pa niya.
Xian everyday may padalang roses kay Kim
Kahit mismong si Kim Chiu ay nagsabing hindi pa matatawag na relasyon ang sa kanila ni Xian Lim na nagsimula nang magtambal sila sa My Binondo Girl. Hindi pa naman daw natatapos ang courtship nilang dalawa. Patuloy pa rin sa pagpapadala sa kanya ng rosas si Xian at iba’t ibang kulay na rosas ang tinatanggap niya, hindi lamang ‘yung red variety. Very thoughtful din si Xian hindi lamang sa kanya kundi maging sa kanyang mga kapatid at sa kanilang lola. Kapag iniimbita siya nito na kahit kumain sa labas ay isinasama nito sa imbitasyon ang kanyang sisters and grandmother. Kaya para silang isang one happy family on an outing,
Kung anuman ang pumipigil kay Kim para lunasan na ang paghihirap ni Xian sa panliligaw sa kanya ay dulot marahil ng trauma niya o hindi magandang eksperyensiya sa kanyang unang pakikipag-relasyon. But all her friends, and even her family, ay gusto nang tapusin niya ang kanyang pag-iisa at bigyan ng chance si Xian
Sa pagsasamang muli nina Kim at Xian sa isang teleserye ng Dos, ang Ina Anak Kapatid, inaasahan ng lahat na manunumbalik ang kanilang magandang samahan at mauwi na sa totohanan ang relasyon nila.
Kalungkutan ng mga host ng Juicy hindi nahalata
Sa paghihintay ko na makita’t mapanood si Derek Ramsay na naghu-host ng Olympics 2012 ay napanood ko tuloy ang episode ng Juicy nung Huwebes ng gabi, ang bisperas ng pagtatapos ng programa.
Kung malungkot man ang mga host ng nasabing programa ay hindi nahalata. Masigla pa rin ang pagpapalitan nila ng kuro-kuro at never nilang kinontra ang isa’t isa. Lahat were given their chance na maeere ang kanilang news and opinion nang walang kumokontra o tumututol.
‘Yun marahil ang bunga ng dalawang taong pagsasama sa Juicy, natitimpla na nila ang isa’t isa, hindi na sila naglalaglagan bagaman at kung nangyari man ito, ay maiintindihan ng manonood dahil kahit ang magkakaibigan ay mayroon ding hindi pinagkakasunduan. In all the time that they were together, nagsuportahan sila. Hindi nakapagtataka kung maging malungkot sa kanilang paghihiwalay sina Cristy Fermin, Direk Joey Reyes, IC Mendoza, Divine Lee at Shalala.