Matutuwa ang mga nagkagusto sa Cinemalaya movie na Bwakaw dahil muling mapapanood na umaarte ang asong si Princess and this time, sa TV naman. Title role siya sa bagong primetime soap ng GMA 7 kasama si Eddie Garcia sa Aso Ni San Roque sa direction ni Don Michael Perez.
Kabilang sa cast sina Nova Villa, Angelika dela Cruz, Buboy Garovillo, TJ Trinidad, LJ Reyes, Rich Asuncion, Mona Louise Ray, Gwen Zamora, at Paolo Contis. Kundi magbabago , sa September 10 na ang airing ng Aso Ni San Roque kapalit daw ng Makapiling Kang Muli.
Koreanovela bubuhayin ng GMA
Hindi lang pala ang Pinoy remake ng Korean novela na pagbibidahan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica ang Koreanovela na gagawin this year ng GMA 7. Isa pang sikat at sinubaybayang K-novela ng mga Pinoy ang bibigyan nila ng local taste.
Bawal pa lang sabihin kung anong project ito, pero napili na ang two major cast na bawal ding pangalanan at kahit magbigay ng clue, bawal pa rin.
Ang tiyak, sa September na sisimulan ang taping ng project at November ang airing. Sa primetime ito ilalagay at ipapalit sa isa sa tumatakbong soap ngayon.
Maricel First Time sa Untold
Si Maricel Soriano ang magbubukas sa bagong time slot ng Untold Stories na inilipat ng TV5 mula umaga sa 8:30 p.m., time slot. First time lalabas sa Untold Stories ang Diamond Star bilang babaing lumpo na itataguyod pa rin ang anak. Sa direksiyon ni Argel Joseph, kapareha ni Maricel si William Martinez.
Naka-schedule na ring mag-guest dito si Nora Aunor at pati si Lorna Tolentino. Mula sa episodes ng Face to Face galing ang mga istorya na inilalabas sa Untold Stories.
Sarah maraming ginawang ‘memorable’ kasama si Richard
Nabasa ni Sarah Lahbati sa Twitter ang comment na kamukha siya ni Jennifer Lawrence, bilang si Katness Everdeen sa The Hunger Games. Natuwa siya sa effort ng followers niya na pinagdikit ang pictures nila ni Jennifer Lawrence. Binasa niya ang three books at looking forward sa mga susunod na pelikula.
Ang ganda ng ngiti, pero hindi sinagot ni Sarah kung sino si Peeta Mellark (Josh Hutcherson) at si Gale Hawthorne (Liam Hemsworth) sa buhay niya at kung si Richard Gutierrez na ‘yun?
Iniba nito ang usapan, masaya, crazy at fun daw ang experience niya sa Bukidnon, kung saan, kinuha siyang guest co-host ni Richard sa pilot ng season two ng Pinoy Adventures na kinunan sa Bukidnon at mapapanood this Saturday. Ang dami raw nilang ginawang memorable gaya ng zip line at pagbisita sa Del Monte at Dole.
Kuwento pala ni Sarah, nagkakilala at nagka-usap na sina Richard at daddy niya sa taping ng Makapiling Kang Muli, that time, hindi pa sila nali-link ng aktor, kaya ang usapan ng ama at ng aktor ay tungkol sa diving at hindi tungkol sa kanya. Iba na ang sitwasyon sa muling pagdating ng ama dahil item na raw sila ni Richard.
Elmo at Julie kinunan ng acting coach
Kinuha ng GMA 7 si Ana Feleo bilang acting coach nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose para sa Just One Summer kaya kampante ang dalawa na nagawa nila ng tama ang kanilang mga eksena at karakter. Of course, sa tulong pa rin ni direk Mac Alejandre.
Alam ni Elmo na marami ang pumuna sa acting niya sa Tween Academy, pero ipinagmalaki na may pagbabago ang acting niya sa launching movie nila ni Julie Anne.
Sa August 15 na ang showing ng GMA Films movie.