Kakatuwa ang kaibigan ko at kasamahan sa panulat dito sa PSN na si Vero Samio, talagang naghintay at naghanap siya ng mga palabas tungkol sa Olympics 2012 para lamang makita si Derek Ramsay.
Nung unang mga araw talagang waley, hindi niya ito nakita pero finally nung Thursday, mga 3:00 a.m., nakita rin niya ito interviewing one representative of the US women’s basketball team. Tapos ‘yung second time, may ininterview itong isang Lia Cruz.
May nabasa kasi siya sa isang column na nagsasabing nanghihinayang ang sumulat dahil hindi nito napapanood ang dating Kapamilya sa nasabing sports event sa London, eh ‘yun pa naman ang una niyang major na trabaho for TV5. Kaya nag-effort si Vero at ‘yun nga nakita rin niya ang bagong recruit ng Kapatid Network. Nagtataka lang siya kung bakit sa madaling araw ito ipinakikita eh puwede naman sa primetime.
Oo nga bakit nga ba hindi sa primetime, para hindi masayang ang kagalingang mag-host ng ex ni Angelica Panganiban.
Zsa Zsa nakaka-move on na
Talagang love ni ZsaZsing ang Hari ng Comedy. Gumaya ito sa mga anak at kamag-anak na nagpatattoo ng mukha ni Dolphy sa kanilang braso at katawan. Saan kayang bahagi ng kanyang katawan nagpatattoo si Zsa Zsa?
Marami ang natutuwa na tila nakaka-move on na ang Divine Diva sa pagkamatay ng kanyang Lovey. Nakatakda na itong bumalik ng ASAP at natapos na rin ang kanyang mga eksena sa I Doo Bidoo.
Ganito lang naman ang pinaka-madaling paraan para maiwaksi ang lungkot, ilublob mo ang sarili mo sa trabaho.
Hindi naman porke magkakaro’n din ng bagong hari ng komedi sa gusto man natin o hindi ay mawawala na ang pagka-hari ng namayapang komedyante. Magkakaro’n lang siguro ng bago at baka mas nakakabatang komedyante but Dolphy will always be the king.