^

PSN Showbiz

Susan Roces masaya sa ibinigay ni P-Noy!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Nagbigay ng pahayag ang anak nina Fernando Poe, Jr. at Susan Roces na si Mary Grace Poe Llamanzares tungkol sa pagbibigay sa namayapang aktor ng National Artist award.

“Masayang-masaya kami at taos-pusong nagpapasalamat sa pangulo (Noynoy Aquino) sa pagkilala kay FPJ. Ang nangyari kasi noong 2006, nagbotohan ang miyembro ng NCCA (National Commission for Culture and the Arts), Council of Peers ang tawag doon. Ito ay binubuo ng visual artists, writers, directors from the fields of study in arts. Binoto nila si FPJ so, legal ’yung proseso. Hindi lang naman president ang nag-appoint,” pahayag ni Mary Grace.

Masaya naman ang kanyang ina na kabiyak ng Hari ng Pelikulang Pilipino para sa parangal na ipinagkaloob.

“Feeling nga niya naabala pa ’yung pangulo na kinailangan pa niyang gawin ito. Sabi ko nga, maganda na rin naman na maranasan ng aking ina na matanggap ’yung award para sa dad ko. Sabi nga nila, behind a success of every man or a woman… if you don’t want to be gender sensitive, is a man or a woman, ’yung partner mo who stood by you through thick and thin, who inspired you. So, kahit paano, kahit award ito ni FPJ, karapat-dapat naman na maramdaman din ng mom ko ang isang karangalan na ’yan para sa kanya.

“Although ang mom ko, tipid sa reaction niya. Ayaw niya pahabain pa. Talagang nagpapasalamat kami kasi tinitingala rin namin ang pangulo natin,” paliwanag pa ng head ng Movie and Television Review and Classification Board.

Pokwang textmate na si Gov. Vi

Nagpapasalamat si Pokwang sa lahat ng tumang­kilik sa kanilang pelikulang The Healing. Masayang-masaya ang komedyana dahil naging bahagi siya ng nasabing blockbuster film.

“Congrats sa lahat ng bumubuo ng pelikula lalo na kina Gov. Vilma (Santos), Direk Chito (Roño), sa lahat ng cast, kay Kim (Chiu), sa Star Cinema,” bungad ni Pokwang. Lalong naging malapit na magkaibigan ngayon sina Ate Vi at ang komedyana pagkatapos gawin ang nasabing pelikula.

“Grabe si Gov. kapag tineks mo, dalawa agad ang sagot. Agad-agad,” kuwento ni Pokwang.

Nagpapasalamat din ang aktres dahil nagkakaroon na siya ngayon ng mga seryoso o dramatic role katulad ng kanyang papel sa teleseryeng Aryana.

“’Yun talaga sa Star Magic, ’yung maging versatile ang mga artista. Like si Kim, happy siya kasi hindi lang puro pa-tweetums ang role niya. Sa The Healing nanakot siya, nag-drama rin siya. Ibang Kim din ang ipinakita sa The Healing, ’yun talaga ang role ng Star Magic, lahat kami mabigyan ng role na hindi mo aakalain na magagawa pala namin,” giit ni Pokwang.

Ngayon ay isang bagong pelikula ang ginagawa ng aktres kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola na nakasama na rin niya noon sa isang pelikula.

Reports from JAMES C. CANTOS

ATE VI

COUNCIL OF PEERS

CULTURE AND THE ARTS

FERNANDO POE

IBANG KIM

JOSE MANALO

MARY GRACE

POKWANG

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with