^

PSN Showbiz

Baliktad na ang sitwasyon, Kris aminadong tumigil na sa kadaldalan, mas outspoken na si P-Noy!

- SVA - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kung noon si Kris Aquino ang walang preno sa mga interview, baliktad na ang sitwasyon ngayon.

Mismong si Kris ang nagsabi nang kausapin siya kahapon sa Manila Memorial Park, Parañaque in Commemoration of President Cory Aquino’s Death Anniversary na mabait na siya at ang presidente (P-Noy) na ang mas outspoken.

“Sinabi ko lang na times have really changed in three years. Kasi ngayon ‘pag gusto nila ng speech na hindi controversial, ako na ang pinagsasalita. Kaya sabi ko: ‘Uy, how nice! I’m now the good girl and ako na ‘yung quiet Aquino ngayon.’ Kaya tuwang-tuwa lang ako.”

So si P-Noy na ‘yung outspoken? tanong sa presidential sister.

 “Oo. Sinabi ko na si, ano na, si P-Noy na ang outspoken and ako ‘yung, ano. Dati ako ‘yung pinagsasabihan na ‘Shhhhh!’” sagot niya sa nag-interview.

Kamakailan lang kasi ay pinag-usapan ang ginawang pagbanat ng president kay Noli de Castro.

Jeremy Renner hindi malimutan ang mga eksena sa Manila

Hindi pala malimutan ng Hollywood actor na si Jeremy Renner, bida sa The Bourne Legacy, ang eksenang nag-motorbike siya na kinunan dito sa ating bansa.

Yes, aminado ang Oscar-nominated actor na matagal ang naging preparation nila sa nasabing motorbike chase scene.

 “To prepare, I had to get used to that motorcycle. It’s an on-road, off-road bike which is a different way to ride than the street bikes that I’m used to. It’s the opposite of almost everything I’ve ever ridden. I had to get used to that bike and then having someone on the back riding with me,” sabi ni Jeremy na ilang linggo ring nag-stay sa bansa para sa shooting ng pelikula na ipalalabas na sa Metro Manila theaters sa August 8.

Pinuri rin ang ilang clips mula sa eksena ng foreign media dahil nga siya mismo ang gumagawa sa mga stunts. Tulad din ng mga ibang action star na A-lister, gusto rin niya na gumawa pa ng ilang makapigil-hiningang mga stunts kaya lang nga ay may nakaangkas sa kanya. “If it was just me, I would have taken a few more risks but when I’m responsible for the person on the back, it’s a different thing. I just had to demonstrate due diligence and get used to that bike as much as I could.”

“I did it on my own and also worked with Dan Bradley, who set me up with some people to train with. Once we got to Manila, I worked with Dan and our motorcycle guys there just racing around in parking lots,” pag-alala ng aktor sa ginawa niyang paghahanda para sa mga delikado niyang eksena.

Fresh na fresh mula sa pagganap bilang Hawkeye sa Avengers, sinabi rin ni Renner ang isang dahilan kung bakit sana ay tatanggihan niya ang role sa pelikula. “The only qualm would have been if I was being asked to play Jason Bourne. So, it was really easy because I’m not. Now that the trailers are out, you get the idea of what the film is about.

 “It came to me in a very Bourne-like way. Someone flew out to Germany where I was shooting Hansel and Gretel. They knocked on my door, handed me a script and said, ‘When you’re done with it, call this number...’ It was very spy-like. So I read it, loved it, and thought I’d be an idiot not to do it,” paliwanag pa niya.

Kinumpara rin niya ang character niya ngayon sa The Bourne Legacy na si Aaron Cross at kay Jason Bourne na unang pinasikat ni Matt Damon.

“Aaron Cross is a guy that wanted to belong. He’s a guy who wants to fit in and be a part of something. He’s completely the opposite of who Jason Bourne was. Bourne was just trying to find out who the hell he was, but this Aaron Cross knows exactly who he is. He knows what he wants to do and that’s being a part of this team.”

Dahil sa magkasunod siyang gumanap bilang Hawkeye at Aaron Cross, nasabi ng aktor na parang magkakabit ang mga role na iyon. Lamang ay mas nasa tamang kondisyon siya sa pagsosolo kesa sa madaming kasamang bida sa Avengers.

“They’re kind of tied together as one right after another. I was probably in even better shape for Aaron because I just had more time to train.”

Nagpapasalamat din siya sa mga critics dahil nagkakaisa sila sa pagsasabing kabilang siya sa iilang mga actor na may box office appeal at acting ability. “I feel like the luckiest guy around. It’s nice to be able to work and it’s even nicer when people see your work.”

Ang The Bourne Legacy na pinagbibidahan ni Jeremy Renner and Rachel Weisz ay ipinamamahagi ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation

 

AARON CROSS

JASON BOURNE

JEREMY RENNER

LEFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with