Ang ex-wife niyang si Michelle van Eimereen ang nag-introduce kay Ogie Alcasid sa ramen, popular Japanese noodles noong nasa Tokyo, Japan sila. Kaya nang i-propose ng mga kasosyong sina Edwin Dazo, DJ Vergel de Dios, Neil Castillo, at Quezon City councilor Joseph Juico na magbukas sila ng Japanese resto na ramen at curry ang specialty, pumayag siya para hot Japanese food naman ang matikman ng mga Pinoy.
Walang sushi, sashimi, at coffee sa Ryu Ramen & Curry pero dinarayo pa rin ng diners ang resto. Parang hindi nagkatotoo ang concern ni Ogie na “make or break” ang magbukas ng resto sa Tomas Morato dahil laging puno ang 48-seater resto. Minsan nga, nagsara sila dahil naubusan ng food.
Mabibisita na siguro ng madalas ni Ogie ang resto nila dahil last shooting day na nila kahapon ng I Do Bidoo Bidoo na showing sa Aug. 29. One season lang ang Pare & Pare at malapit na ring magtapos ang Daddy Dearest.
May enough time siyang asikasuhin ang commemorative album niya sa Universal Records para sa 25th year anniversary niya, maglalaman ito ng compositions niya ng movie and TV theme songs to be released on November. Ang bilang ni Ogie, 29 theme songs ang nagawa niya. May four songs siyang hindi naisama.
Kris bumilib kay Iza kaya madalas nang ige-guest
Magiging madalas ang paggi-guest co-host ni Iza Calzado sa Kris TV ni Kris Aquino dahil pinuri ng huli ang pagho-host ng aktres nang minsang mag-host sa kanyang show.
Sinabihan ni Kris ang staff niya na ’pag may chance, kuning host si Iza para mas mahasa pa. Bagay na ikinatuwa ng aktres dahil galing kay Kris na isang magaling na host ang magandang salita patungkol sa kanya.
Muli palang mapapanood sa Maalaala Mo Kaya si Iza, sa birthday presentation niya at dahil Aug. 12 ang birthday, baka sa Aug. 11 episode siya lumabas.
Samantala, after Mga Mumunting Lihim, ang Hysteria ng Regal Entertainment, Inc. ang next movie na gagawin ni Iza sa direction ni Jun Lana. Nasa Shake, Rattle & Roll 14 at mga Kuwento ni Lola Basyang din siya, entry ng Regal at Unitel Productions sa 2012 Metro Manila Film Festival.
Bea recording artist na ng PolyEast
Recording artist na si Bea Binene, kasama na siya sa roster ng recording artist ng PolyEast Records na nagtiwalang bigyan siya ng album. Almost done na ang album entitled Hey It’s Me, Bea and sometime this August ang release.
Sikreto pa raw ang tungkol sa album, kaya hirap kaming humingi ng details gaya kung ilang track, sino ang composers, at paano pumirma si Bea sa PolyEast. Ang nalaman lang namin, isa sa song sa album ang remake ng Regine Velasquez hit na Urong-Sulong.
So, naunahan ni Bea ang ilang Kapuso tweens na magka-album gaya ni Derrick Monasterio na nauna pang nag-recording para sana sa kanyang album. Nakakaloka na hindi ang GMA Records, kundi PolyEast Records pa ang nakaisip na bigyan ng album si Bea.
Kabilang sina Kristoffer Martin at Lexi Fernandez sa Kapuso tweens na puwedeng magka-album. Baka naman sa ibang record label pa sila magka-album!
Anyway, patuloy na napapanood si Bea sa Luna Blanca at sa istorya, muli silang magkikita ni Aki/Joaqin (Kristoffer) na tumulong sa kanya noong mga bata pa sila.
Kapatid Channels nakakuha ng 1.1m viewers sa Olympics
Umabot daw sa 1.1 million ang Pinoy na tumutok sa TV5, Aksyon TV, at AKTV sa opening ceremonies ng 2012 London Olympics last Saturday. Half a million naman daw ang nanood ng men’s 400 individual medley swimming na napanood sa AKTV Saturday evening. Thousand viewers naman ang nanood ng mga platform ng SPORTS5.
Ibig sabihin nito, sinusubaybayan ng mga Pinoy ang mga ipinadalang atleta sa London, kaya patuloy natin silang suportahan sa pamamagitan nang panonood.