Arnel Pineda TH ang pakikipag-Inglisan kay Martin Nievera

SEEN: Kamukha na ni Alma Concepcion ang comedienne na si Cacai Bautista.

Malaki ang ipinagbago ng mukha ni Alma at ebidensiya ang mga eksena niya sa Pintada ng ABS-CBN.

SCENE: Older version ni Richard Yap a.k.a Papa Chen si Ricardo Cepeda.

Paborito ng mga Pilipino sa Amerika ang Please Be Careful with My Heart, ang  morning romantic comedy series nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria sa Kapamilya Network.

SEEN: Ang early morning advisory kahapon ni Bacoor House Representative Lani Mercado- Revilla tungkol sa mga school sa Bacoor City na walang pasok dahil sa masungit na panahon.

SCENE: May relasyon pa rin sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla pero inililihim na nila upang maiwasan ang mga intriga.

SEEN: Ang dramatic stories ng Artista Academy aspirants na napanood na noon pa sa mga talent search ng mga television network.

SCENE: Teary-eyed na naman si Sharon Cuneta sa Monday episode ng Sharon, Kasama Mo Kapatid.

Hindi talaga lumilipas ang isang linggo na hindi napapaiyak si Sharon sa kanyang show.

SEEN: Naninibago ang televiewers kay Arnel Pineda dahil Inglisero na siya at nakakailang panoorin ang kanyang awkward English kapag nakikipagsabayan siya kay Martin Nievera na mahusay sa American language.

SCENE: Ayaw muna ni Brillante Mendoza na pag-usapan ang pagkakasali ng Thy Womb sa Venice International Film Festival dahil naka-focus ang atensiyon niya sa promo at showing ng Captive sa susunod na buwan.

Ang Thy Womb ang pelikula ni Nora Aunor na hindi nakalusot sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Show comments