ABS-CBN naghahanap ng bagong Sarah G. at Xyriel!

MANILA, Philippines - Handang-handa na ang

ABS-CBN

, sa pamamagitan ng

Kapamilya Little Star

auditions, na muling buksan ang pinto nito sa lahat ng mga talented na batang babae na nangangarap na sumunod sa mga yapak ng bibang-biba at award-winning

Kapamilya

child wonder na si

Xyriel Manabat

at ng world-class singer-actress-TV host na si

Sarah Geronimo.

Maaaring sumali ang lahat ng talented little girls, mula anim hanggang siyam na taong gulang. Lahat ng batang sasali ay kailangang magdala ng kanilang audition material (CD ng kakantahin) at dalawang pictures (isang close-up at isang whole body). Huwag palampasin ang pagkakataong maging next big thing ng ABS-CBN! Para sa karagdagang updates o detalye, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Show comments