Natsismis na aalis sa GMA 7 si Dennis Trillo pero malabo ito dahil may one-year contract pa siya sa network at may sisimulan siyang bagong soap sa September. Bawal pa lang magbigay ng detalye. Wait muna kami ng go signal.
Samantala, after ng Cinemalaya entry na Ang Katiwala, sabay na gagawin ni Dennis Trillo sa first week ng August ang indie film na Sapi at The Lost Command episode ng Shake, Rattle & Roll 14. Inaayos na ng manager nitong si Popoy Caritativo ang schedule ng aktor para kahit maglagare, walang nabibiting shooting.
Excited at kabado si Dennis sa dalawang pelikula dahil ang magagaling na sina Brillante Mendoza para sa Sapi at Chito Ro?o para sa SR&R 14 ang kanyang mga direktor. Parehong first time niyang makatrabaho ang dalawang magaling na directors at si Brillante pa lang ang nakakausap niya.
“Kinakabahan ako sa Sapi, horror ito, semi-documentary at kung mahina ang spiritual belief mo, baka sapian ka. Magsisimba ako at magpapa-bless bago mag-shooting. ’Kakaiba ang pelikulang ito, on call kami at kung saan may sinapian pupuntahan namin at saka lang kami magsyu-shooting,” sabi ni Dennis.
Wala pang maikuwento si Dennis sa The Lost Command dahil wala pang storycon at ang alam pa lang niya, sundalo ang role niya na matagal na niyang gustong gampanan.
Derrick nataranta sa pagdalaw ni Joshua kay Barbie
Hindi lang si Marian Rivera ang may dalaw sa taping ng Tweets For My Sweet dahil pati si Barbie Forteza may bumibisita na rin. Dinalaw siya sa taping ng comedy show ni Derrick Monasterio, kapareha niya sa Luna Blanca.
Tsika sa amin, nang bumisita si Derrick may dala pa itong Truffles chocolate bilang pasalubong kay Barbie na siyempre, masaya sa pagdating ng bagong ka-love team.
Nakita rin ang closeness at sweetness nina Barbie at Derrick sa Station ID shoot ng young stars ng GMA 7. Kinakitaan nang pagkataranta si Derrick nang dumating si Joshua Dionisio at agad pinatabi sa kanya si Barbie na sumunod naman.
Nakita rin sila sa Trinoma, Quezon City na namamasyal.
Juicy! matitigbak na rin
Hindi lang pala ang Paparazzi na Sunday talk show ng TV5 ang mawawala, pati na ang Juicy! sa gabi. Ang desisyon ng TV5 ay gawing six days ang airing ng Ang Latest! — ang ipapalit sa Paparazzi, kaya Monday to Saturday ito mapapanood.
May pagbabago sa magiging hosts ng Ang Latest! dahil hindi lahat ng galing sa Paparazzi ay kukunin. Ayaw naming manggaling sa amin kung sino ang out, ang in na lang ang isinulat namin at kabilang dito sina Cristy Fermin at Mr. Fu.
Meron din namang hindi aalisin pero hindi na sila sa live telecast, kundi sa VTR mapapanood. Gagawin ang mga pagbabagong ito para mas maging maganda at mas panonoorin ang Ang Latest! talk show.