^

PSN Showbiz

Panawagan na i-boycott si Divine Lee, lumalakas!

SEEN SCENE - The Philippine Star

SEEN: May motorcade kahapon ang mga artista ng mga bagong programa ng TV5, ang Third Eye, Enchanted Garden, at Artista Academy.

Nag-umpisa ang motorcade sa Quirino Grandstand sa Manila at natapos sa studio ng Game ‘N Go sa Delta Theater sa Quezon City.

SCENE: Tinawag ni Zoren Legaspi na Sarah Jane si Sarah Geronimo sa Paparazzi noong Sabado. Hindi nawawalan ng boboos si Zoren sa Paparazzi.

SEEN: Lumalakas ang panawagan na i-boycott si Divine Lee dahil sa mga fraud case (syndicated estafa) ng kanyang ama, ang Globe Asiatique owner na si Delfin Lee.

Nagtago si Delfin mula nang maglabas ng warrant of arrest ang korte.

SCENE: May malisya ang pangalan ng mga karakter sa TV ad ng isang pintura. Juana ang pangalan ng babae at Zac ang pangalan ng lalaki.

SEEN: Masaya ang Star Cinema people dahil nadagdagan ang mga nanonood ng The Healing noong weekend.

SCENE: Walang pahintulot ni Alfie Lorenzo ang paglabas ni Judy Ann Santos sa Mga Mumunting Lihim, ang indie movie ng direktor na si Joey Reyes.

Humingi ng paumanhin si Joey sa manager ni Judy Ann at inako niya ang pagkakamali.

SEEN: Nakita si Ivan Dorschner ng PBB Teen Clash 2012 sa isang supermarket sa Quezon City. Tumaba si Ivan dahil sa matagal na pagbabakasyon niya sa Amerika.

SCENE: For publicity purposes sa Just One Summer ang pagkalat sa Internet ng litrato ng sighting kina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona sa Eastwood Mall.

ALFIE LORENZO

ARTISTA ACADEMY

DELFIN LEE

DELTA THEATER

DIVINE LEE

EASTWOOD MALL

ELMO MAGALONA

ENCHANTED GARDEN

GLOBE ASIATIQUE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with