^

PSN Showbiz

Grace Poe tinanggap mula kay P-Noy, FPJ ginawaran na ng National Artist Award

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Noong Biyernes ay inaprubahan at pinirmahan na ni Presidente Noynoy Aquino ang proklamasyon na nagkukumpirma kay Fernando Poe, Jr. bilang Pambansang Alagad ng Sining. Ngayon ay matatanggap na ng pamilya ng namayapang aktor ang medalya at ang benepisyo para sa nasabing parangal. Agad namang nagbigay ng pahayag ang anak ni FPJ at Movie and Te­levision Review and Classification Board (MTRCB) chairperson na si Mary Grace Poe Llamanzares tungkol sa parangal na iginawad sa kanyang ama.

“Talagang kami ay natutuwa at nagpapasalamat, sa wakas matatanggap na rin naming ’yung physical medalya para sa National Artist,” bungad ng anak ni FPJ.

“Noon hindi namin tinanggap dahil naniniwala kami na ang isang parangal ay ibinibigay ng isang taong marangal at ngayon na manggagaling sa isang presidente na tunay na hinalal at may kredibilidad. Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat.”

Nagdiwang ng kaarawan noong July 28 ang kabiyak ni FPJ na si Susan Roces kaya tamang-tama ang panahon na ito ng paggawad ng National Artist award para sa Hari ng Pelikulang Pilipino.

Komedyante nananawagan sa mga anak dahil sa malubhang karamdaman

Ngayon ay may malubhang karamdaman daw ang dating komed­yante na si Sammy Lagmay. Nadiskubre raw ito ng aktor noong taong 2010.

“Ramdam ko ng may sakit ako, so, nag-decide akong magpa-check up, noong tiningnan ako ng doktor, medyo malala na. Sinabi sa akin na huwag ka nang umuwi, magpa-confine ka na. Kung uuwi pa raw ako baka hindi na raw ako umabot sa bahay ulit, malala na raw diabetes ko. Hindi ko nga matanggap na sa akin dumapo ang sakit, kaso ’yun ang gusto ng Diyos. So tanggapin mo na lang,” seryosong pahayag ni Sammy.

Napabayaan ng aktor ng kanyang sakit dahil sa kakulangan sa pera kaya lalo itong lumala. Nagkaroon na rin ng kumplikasyon ang sakit ni Sammy katulad ng halos pagkawala na ng kanyang paningin, panghihina ng baga at maging ang mga bato ay apektado na rin.

“’Di ko pa rin iniintindi kasi tinanong ko na kung ano gagastusin, ang laki ng ilalabas kong pera eh that time walang-wala na. ’Yung unang checkup, stage 4 pa lang ’yung kidney, noong pangalawang checkup ko naging 8 na,” kuwento ni Sammy.

Malaking halaga rin ang kinakailangan ng aktor para sa kanyang dialysis na dalawang beses sa loob ng isang linggo ginagawa. “Medyo hirap ako pauwi kasi siksikan sa bus, problema ko hindi pa ako nakakakita. Ngayon hindi ko masabi na okay ako, minsan hindi ako makatulog dahil hindi ako makahinga,” pagtatapat ng aktor.

Tanging ang kapatid lamang ni Sammy ang walang sawang umaalalay sa kanya ngayon.

“Sa akin lang, bago sana mamatay, makasama ko lang ’yung mga anak ko. Nasa Amerika ’yung dalawang anak kong babae, ang tagal ko nang hindi nakikita, nakakausap sa telepono pero ’yung makita sila, nami-miss ko sila bilang ama, Nami-miss ko silang yakapin. Ang wish ko kahit sandali, makapiling ko sila at maipadama sa kanila ang pagmamahal ng ama na hindi ko nagawa noon,” emosyonal na pahayag ng aktor.

Mayroon ng ilang mga kaibigan ang nagbigay ng tulong pinansyal kay Sammy pero hindi pa raw talaga ito sapat para matustusan ang pangangailangan niya. Malaki naman ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng mga kaibigang nagpaabot na ng tulong para sa kanya. Reports from JAMES C. CANTOS

AKO

AKTOR

FERNANDO POE

MARY GRACE POE LLAMANZARES

MOVIE AND TE

NASA AMERIKA

NATIONAL ARTIST

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with