^

PSN Showbiz

John Lloyd at Bea masusubukan kay Hilda

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Dumating pala ng bansa ang isa sa pinakamagaling na aktres na si Hilda Koronel. Sa US na ito naninirahan kasama ang kanyang asawa. Nasa bansa ang aktres para gumawa ng pelikula sa Star Cinema kasama sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Isa na naman itong casting coup at I’m sure mas matsa-challenge pa ang dalawang Kapamilya stars dahil magaling ang makakasama nila sa kanilang pelikula. Good luck sa inyo!

Vilma hindi nagkamali kay Kim

Congratulations sa The Healing nina Gov. Vilma Santos at Direk Chito Roño! Bukod sa talagang nakakatakot daw ang pelikula ay nagawang mapaarte ng magaling na direktor ang mga artista niya.

Si Vi ay absuwelto sa pagkakapili niya kay Kim Chiu para makasama sa pelikula, talaga raw nag-deliver ito. Ganundin sina Janice de Belen, at lalo na si Jhong Hilario. Sulit ang matagal na ipinaghintay ng marami sa Star For All Seasons.

You’ll notice ang maraming daw sa mga salita ko dahil hindi ko pa napapanood ang pelikula. Pero napakarami ko nang naririnig na papuri sa kanila. Si­guro kailangan ko nang panoorin ito para malaman kung tama nga ’yung mga naririnig ko.

Malaking atraksiyon ’yung pagka­kabigay dito ng “A” rating ng Cinema Evaluation Board. Kaya tara, nood na tayo!

Dennis tinira ang subdued acting

Ang galing-galing daw ni Dennis Trillo sa pelikulang Ang Katiwala sa ginaganap na Cinemalaya Indepen­dent Film Festival. Puwede raw manalo ng best actor.

Pero sabi naman ng isang kaibigan na dating editor, magaling din si Coco Martin sa Sta. Niña. Subdued daw ang acting ng Kapuso actor.

Lalo tuloy akong naengganyong madaliin ang aking mga trabaho para maging bahagi ng indie event na ginaganap sa Cultural Center of the Philippines at ilang sinehan sa Kamaynilaan. Kitakits tayo.

ANG KATIWALA

BEA ALONZO

CHITO RO

CINEMA EVALUATION BOARD

CINEMALAYA INDEPEN

COCO MARTIN

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DENNIS TRILLO

FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with