Sinehan ng The Healing, dinagdagan!

Patuloy na pinipilahan ngayon sa mga sinehan sa buong bansa ang horror-suspense film na The Healing mula sa Star Cinema kaya nagdagdag na ng ilan pang mga sinehan kung saan puwedeng mapanood ang nasabing pelikula.

Sa katunayan balitang nagdagdag na pa ng sinehan para ma-accommodate pa ang maraming gustong manood.

Maganda talaga ang kakaibang proyektong ito nina Gov. Vilma Santos at Kim Chiu kaya nakakuha ito ng Grade A mula sa Cinema Evaluation Board.

Kasama rin sa bigating cast sina Janice de Belen, Mark Gil, Martin del Rosario, Jhong Hilario, Allan Paule, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Ces Quesada, Ynez Veneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Joel Torre, Chinggoy Alonso, Mon Confiado, Carmi Martin, at Pokwang.

Ang The Healing ay simula pa lamang ng engrandeng selebrasyon para sa ika-limampung taon ng Star For All Seasons sa industriya. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa The Healing, bisitahin lamang ang www.starcinema.com.ph.

Anak ni Alvin Patrimonio gustong gayahin si Toni

Pagkatapos ng acting workshop ng Pinoy Big Brother Unlimited ay abala naman ngayon si Tin Patrimonio sa sports. Ayon sa dalaga ay first love talaga niya ang tennis.

“Okay naman ako, I’m busy with school, diet, and tennis. Varsity kasi ako sa school but now hindi naman super serious training unlike before. Mas laid back ngayon ’yung schedule ko sa training,” nakangiting pahayag ni Tin.

Lalong nagkaroon ng interes sa pag-arte ang dalaga nang matapos ang kanilang workshop.

“It was good. I learned a lot and mas naintindihan ko ’yung meaning of acting. ’Yung hardest part about it was ang sakit pala kasi you have to go through a lot of emotions lalo na ’yung malungkot. ’Yung masayang part about it was na-experience mo ulit lahat ng emotions. Kasabay ko sa batch namin sina Kevin, Slater, Carlo, Kim, Mark, Pamu, Wendy, at Denisse,” kuwento ni Tin.

Aminado rin ang dalaga na gustung-gusto niya talagang pasukin ang showbiz industry at maging isang magaling na aktres balang araw.

“I’m still focused on showbiz and all pero I’m still waiting for the offers and opportunities. Sa acting, I really want to try doing comedy-drama. If I were to follow in the footsteps of anybody in showbiz, it would be Toni Gonzaga. Gustung-gusto ko kasi talaga ’yung movie niyang My Amnesia Girl,” pagtatapat ng dalaga.

Ngayon ay walang karelasyon si Tin dahil ang career muna ang pinagtutuunan niya ng panahon.

“No, ngayon wala talaga. No talaga. Focused muna ako sa career ko and sa school,” giit ng dalaga.   Reports from JAMES C. CANTOS

??

Show comments