Ex ni Ipe kumampi sa kalaban!

SEEN: Mali ang report kahapon ni Bianca Gonzales sa Umagang Kay Ganda na dating asawa ni Phillip Salvador ang businesswoman na si Cristina Decena.

Hindi nagpakasal sina Phillip at Cristina.

SCENE: Si Bulacan Vice-Governor Daniel Fernando ang nakita na kasama ni Cristina Decena.

Kakandidatong Vice-Governor ng Bulacan si Phillip Salvador sa 2013 at si Daniel Fernando ang makakalaban niya.

SEEN: Malapit nang magwakas ang Tweets for My Sweet. Ibabalik ng GMA 7 ang Pepito Manaloto.

SCENE: Ipalalabas sa August 4 ang rare TV guesting ni Maricel Soriano sa Untold Stories Mula sa Face to Face ng TV5.

Si William Martinez ang kapareha ni Maricel sa Untold Stories.

SEEN:  Ang Studio 5, ang film outfit ng TV5 ang co-producer ng Unitel Pictures sa I Do Bidoo Bidoo, ang pelikula na tribute sa hit songs ng Apo Hiking Society.

Mga bida sa I Do Bidoo Bidoo sina Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Eugene Domingo, Tippy Dos Santos, at Sam Concepcion.

SCENE: Napapanood si Senator Jinggoy Estrada sa Lorenzo’s Time bilang mula sa dekada ‘80 ang kuwento ng top rating primetime show ng ABS-CBN.

SEEN: Naghahanap ng bagong manager si Glaiza de Castro.

SCENE: Six to 9-years old ang age requirement ng ABS-CBN sa mga batang babae na gustong sumali sa auditions ngayon, July 28, ng Kapamilya Star mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. sa audience entrance ng Kapamilya Network.

SEEN: Maligaya si LJ Reyes dahil napansin ng film critics ang kanyang mahusay na pagganap sa Intoy Syokoy.

Show comments