Kristen Stewart hindi nag-iisa, aktres naging taksil sa asawa, may sabit din ang pinatulan

Negang-nega ang image ngayon ni Kristen Stewart dahil sa pagtataksil niya kay Robert Pattinson na nag-alsa balutan sa bahay na kanilang tinitirhan. Kung makapag-react ako, parang personal na magkakilala kami ni Kristen

Understandable ang pag-alis ni Robert sa kanilang love nest dahil napakasakit ng ginawa sa kanya ni Kristen. Kung sino pa ang babae, siya pa ang malakas ang loob na makipagrelasyon sa ibang mhin. Buti sana kung binata ang kanyang pinatulan, si Rupert Sanders.

Ang kaso, may sabit ang lalake na tsinugi ni Kristen.

Hindi nag-iisa si Kristen dahil may mga Pinay na aktres na naging taksil din sa kanilang mga dyowa at mga pamilyadong lalaki rin ang pinatulan. To top it all, kasal sila sa mga mhin na pinindeho nila! Hindi ko na sasabihin ang pangalan ng mga aktres dahil magkukulang ang espasyo ng column ko.

Erik nasa character na maging mabuting asawa

Dumating kahapon si Erik Santos sa lunch date namin ng aking bestfriend na si Pinky Tobiano.

Visible si Erik dahil sa promo ng Greatest Theme Songs, ang two-night concert niya sa Meralco Theater sa August 30 at August 31. Kakantahin ni Erik ang mga sikat na theme song mula sa Broadway, TV, at pelikula.

Tinutulungan ni Mama Pinky si Erik sa promo ng Greatest Theme Songs dahil co-presenter ng concert ang Qualibet, ang company na pag-aari niya at beneficiary ang kanyang foundation para sa mga kababayan natin na may cancer, ang Pinky Cares.

Special guests ni Erik sa Greatest Theme Songs sina Gary Valenciano, Basil Valdez, at Vina Morales.

Mabibili ang tickets sa halagang P2800 – Orchestra, P2000 – LoDge at P800 – Balcony. Sa mga gustong manood ng concert ni Erik, mag-inquire kayo sa TicketWorld ( 891-9999)  at SM Tickets (470-2222) para sa ibang mga detalye.

Mukhang loveless pa rin si Erik dahil pagkatapos ng well-publicized love affair nila ni Rufa Mae Quinto, wala tayong nabalitaan na bagong girlfriend niya.

Very lucky ang babae na ihahatid ni Erik sa altar dahil sa nakita ko kahapon, mabait siya at responsible. Nasa karakter niya na magiging mabuting asawa at tatay siya.

Drama Actress may sariling bantay ang mga alahas sa taping

Patalbugan ang cast members ng isang teleserye dahil inilalabas nila ang mga mamahalin na alahas sa kanilang mga eksena.

Ginagamit ng aktres ang kanyang singsing na nagmumura ang diamonds kapag kinukunan ang eksena na nakikipag-usap siya sa cell phone.

Winner ang drama ng aktres dahil pinag-uusapan ng televiewers ang kanyang mga alahas na isinusuot. Take note, totoo at hindi fake ang mga alahas na dinadala ng aktres sa set kaya may sariling bantay ang kanyang jewelry box!

Startalk may bagong kuwento sa pamilya Quizon

Mapapanood ngayong hapon sa Startalk ang birthday mass at dinner para kay Mang Dolphy.

Maraming salamat kay Mama Aida Espiritu dahil pinayagan niya ang crew ng Startalk na mag-shoot at mag-interbyu sa loob ng Wil’s Steaktown. Si Papa Ricky Lo ang nag-interbyu sa magkakapatid na Quizon at ito ang isa sa mga kuwento ng Startalk na dapat abangan.

Show comments