Muling mapapanood si Maricel Soriano na magda-drama at ito’y sa Untold Stories ng TV5 at August 4 ang airing. Kasama ng aktres sa nasabing episode ang dati at matagal na naka-love team na si William Martinez sa direction ni Argel Joseph.
Nagtanong kami kung ibig bang sabihin nang paglabas ni Maricel sa Untold Stories ay pipirma uli siya ng kontrata sa TV5, hindi tiyak ang aming tinanong. Ang alam nito, si Mr. Vic del Rosario ang kinausap ng network para sa guesting ng aktres.
Noong Wednesday nag-taping sina Maricel at William, kaya wala ang aktres sa mass para sa birthday ni Dolphy sa Heritage at sa dinner na treat ni Willie Revillame.
Elmo at Julie Anne huling nagso-solo
Naispatan sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose na nanood ng The Dark Knigt Rises sa Eastwood Cinema at obvious na sinundan sila ng mga kinikilig na JuliElmo fans dahil alam kung saan sila nagpunta after the movie.
Nakunan pa sina Elmo at Julie Anne sa isang resto na nagkakape at nagkukuwentuhan.
Sabi ng fans, mukhang enjoy sa kuwentuhan ang mga bida ng Just One Summer at parang hindi nagkikita sa Party Pilipinas. O baka naman, pinag-usapan nila kung paano nila ipo-promote ang launching movie nila sa GMA Films na showing sa August 15.
Siyanga pala, sa Sunday, may mall tour sila with the other cast sa SM Southmall.
Barbie at Derrick bagay din
Nakita sa Luna Blanca na bagay din si Barbie Forteza na ipareha kina Derrick Monasterio at Kristoffer Martin at kung pang-comedy ang tambalan nila ni Derrick, pang-rom-com naman ang sa kanila ni Kristoffer.
Mga eksena palang ni Barbie with Derrick at Kristoffer ang napapanood, curious na ang viewers kung paano magku-krus ang landas nina Joaquin (Kristoffer) at Luna (Bea Binene) dahil sila ang love team sa pagtatapos ng Book 2 ng Luna Blanca.
Sa episode mamaya, dahil sa video na nagki-kiss sina Joaquin at Kate (Yassi Pressman), maiisip ni Blanca (Barbie) na malayo ang agwat nila ni Joaquin. Ipakikilala naman ni Anino si Luna kay Devolas at malalaman ng dalagita na ito ang tumutulong sa kanya.