^

PSN Showbiz

Sarah at Gerald 'hiwalay' na!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ouch totoo raw na nagkasundo na sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson na ‘wag nang ituloy ang kung anumang na-develop sa kanila.

Ang sabi ng source, masakit daw siyempre para sa dalawa ang nangyari pero at least daw maaga nila parehong na-realize na hindi sila puwede bilang may mga bagay-bagay na hindi umayon sa panahon.

Ang pagsasama raw ng dalawa sa Sarah G. Live last Sunday ayon naman sa insider ng ABS-CBN ay matagal nang naka-schedule dahil akala nila ay magiging ok ang lahat bilang pina­yagan na­man si Gerald ng Mommy Divine (ni Sarah) na manligaw sa pop princess pero that time daw ay nakapag-usap na ang dalawa at nag­ka­sundong hindi na nga ituloy kung anuman ‘yung meron sila.

Hmmm, ano nga kaya ang tunay na rason?

Baka naman si Gerald na ang nag-give up? Kasi parang sa guesting niya nung Sunday nga, parang ‘di makasagot ng diretso sa mga tanong ni Luis Manzano tungkol sa kanila.

Abangan natin sa Linggo baka magsalita si Sarah bilang balitang aapir din ang kanyang mga magulang na sina Divine at Delfin at magkakaroon din daw ng interbyuhan portion.

Sabihin na kaya nila ang tunay na rason sa naudlot nilang pagmamahalan?

Regine nahihirapang tanggapin ang ’sakit’ ng ama

“Mang Gerry get well soon. My hero is getting old and weak. Minsan may mga pagbabagong mahirap tanggapin, pagaling ka. I love you Papa,” tweet ni Regine Velasquez-Alcasid kahapon.

Si Mang Gerry ang dakilang ama ni Mrs. Alcasid na kasa-kasama ni Regine nang mag-umpisa siya sa showbiz.

The Healing humataw sa takilya!

 Talk-of-the town ngayon ang pagtabo sa takilya na The Healing, ang graded A horror-suspense film na pinagbibidahan ng Star for All Seasons Vilma Santos at Kim Chiu.

Sa matagumpay nitong premiere night pa lamang noong Martes (July 24), naging no.1 trending topic na agad ang The Healing sa Twitter.

Kaya naman matagumpay agad ang first day of showing nito - sumugod at matiyagang pumila sa iba’t ibang mga sinehan ang fans. At dahil daw nadagdagan ang moviegoers, ilang malls na ang nagplanong magdagdag ng cinemas ngayong weekend upang matiyak na maa-accommodate ang dami ng nais manood.  

Sa ilalim ng produksiyon ng Star Cinema, ang The Healing ay ginawaran kamakailan ng pinakamataas na marka na Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Nagsimulang ipalabas ang The Healing last Wednesday sa mahigit 140 na sinehan sa buong bansa.

Aktor sa labas gustong makipag-bonding sa nililigawan

Parang tama naman ang desisyon ng ina ng isang aktres na ‘wag payagang sumama ang kanyang anak na gumimik sa manliligaw nitong aktor.

Ayon sa source, ang gusto raw kasi ng aktor ay mag-night life sila ng nililigawang aktres. Pero ang inaalala raw ng nanay ng aktres, hindi puwedeng mapuyat ang kanyang anak bilang may trabaho at hindi magandang makita na pakalat-kalat ito kung saan-saan lang eh may bahay naman silang puwedeng tambayan ng aktor habang nakikipag-bonding sa nililigawang aktres.

Ayon sa source parang hindi raw ganito ang trip ng aktor. Gusto nitong gumimik, kaya imbes na ituloy daw ang panliligaw sa aktres, kinausap na lang nito at sinabing parang hindi naman sa kanya pabor ang pamilya kaya mas maiging hindi na lang niya ituloy ang panliligaw.

Hay ang pag-ibig. Kung sabagay mga bata pa naman sila. Marami pa silang makikilala, particular na ang aktres na isa sa mga pinakasikat ngayon.

Iba’t ibang sektor, kaisa sa Bayan Mo, Ipatrol Mo: Tayo Na

Nakipag-sanib puwersa ang ABS-CBN News and Current Affairs sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, pamantasan, kumpanya, pahayagan, at non-government organization para sa isang malinis na halalan sa 2013 sa pama­magitan ng kampanya nitong Bayan Mo, iPatrol Mo: Tayo Na.

Dumalo ang ABS-CBN president at CEO na si Eugenio ‘Gabby’ Lopez III at ABS-CBN News and Current Affairs head na si Ging Reyes sa covenant signing na ginanap sa Hotel Sofitel Philippine Plaza Manila Martes ng gabi (July 24) kasama sina Sixto Brillantes, ang chairperson ng Commission on Elections (COMELEC), at Jose Brillantes, Jr., ang undersecretary and chairman ng Department of Foreign Affairs Overseas Absentee Voting Secretariat.

 “Nagtitipon tayong muli para kilalanin ang pagtaas ng antas ng involvement ng mga mamamayan tungo sa pagbabago. Naniniwala po tayong mahalaga ang pagbabantay para masugpo ang katiwalian. Gayunpaman, naniniwala rin po tayo na parami nang parami ang mamamayang nakakaunawa na nakakahawa ang kabayanihan at mas mahalaga ang matagalang solusyon sa mga problema ng ating bayan. Higit pa sa Halalan 2013 at eleksyon ang nais ayusin ng ‘Bayan Mo, iPatrol Mo: Tayo Na,’” sabi ni Ging.

Mula sa matagumpay na Boto Mo, iPatrol Mo noong 2007 hanggang sa Boto Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula noong 2010, isang pinag-ibayong BMPM campaign ang inilunsad noong Hunyo na naglalayong paigtingin ang sinimulang citizen journalism sa bansa. 

ALL SEASONS

BAYAN MO

BOTO MO

LEFT

NEWS AND CURRENT AFFAIRS

TAYO NA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with