Mother Ricky makikitsika sa mga sikat na nakatuntong sa lupa
MANILA, Philippines - Tutukan ngayong Sabado alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga ang GMA News TV program na Life and Style with Ricky Reyes dahil tiyak na marami kayong matutuhan sa mga taong nagtagumpay sa kani-kanilang larangan.
Mga sikat at bigatin pero ang mga paa’y nanatiling nakatuntong sa lupa. Sila ang mga panauhin ni Mader Ricky sa kanyang programa prodyus ng ScriptoVision.
Una sa listaha’y si Rep. Cynthia Villar (kasama ni Mader sa larawan) na nagtiyaga at nagsikap sa kanilang family business na construction at real estate bago nasabak sa public service. Isang buong araw oobserbahan ni Mader ang butihing ginang na mahal ng kayang mga constituents sa Las Pinas City dahil sa free education sa out of school youth at livelihood training sa mga kababaihang walang trabaho.
Dadalaw din ang LSWRR host-producer sa Javier, Iloilo City at kakapanayamin si Mayor Leandro “Andok” Javier, Jr. Dating black sheep ng family na nagsimula sa limang libong pisong puhunan pero ngayo’y matatag at isa nang milyonario bilang may-ari ng maraming Andok’s Lechon sa iba-ibang bahagi ng Pilipinas at ang ginoo ay puring-puri ng mga empleyado dahil matulungin at maawaing “boss” sa kanila.
For the first time ay ipapakita ng Japanese martial arts superstar na si Jacky Woo ang kanyang condo sa Eastwood. Sasabihin din niya kung bakit mas type niyang manirahan sa Pinas at kung paano rin siya nakakatulong sa mga Pinoy bilang pasasalamat sa pag-aalaga at hospitality ng mga ito sa actor-prodyuser.
Kilala sa pagdidisenyo at pagre-rebuild ng mga sasakyan si Atoy Llave na isang simpleng mekaniko lang nung araw. Sa kahenyuhan niya sa kanyang craft ay meron na siyang malaking pagawaan at marami ring mekaniko ang tinutulungan para kumita.
- Latest