ABS-CBN, nanguna sa paghahatid ng live coverage ng SONA ni Pnoy

MANILA, Philippines - Mas tinutukan ng publiko ang live coverage ng ABS-CBN ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III noong Lunes (July 23) sa Batasang Pambansa. Nagkamit ng 15% national TV rating ang Ulat sa Bayan: Ang Ika-3 SONA ni Pangulong Benigno S. Aquino III ng ABS-CBN, o mas mataas ng halos anim na puntos laban sa 9.2% lamang ng SONA 2012 ng GMA, base sa datos ng Kantar Media na sakop ang parehong urban at rural areas sa bansa. Pinangunahan ng mamamahayag na si Korina Sanchez ang live coverage mula sa studio habang si Lynda Jumilla naman, kasama ang ibang news reporters ng ABS-CBN ang tumutok sa mga pinakasariwang kaganapan bago at matapos ang SONA mula sa Batasan. Naghatid din ng live cove­rage ng SONA ang Studio 23 sa free TV at ang ANC at DZMM TeleRadyo naman sa cable TV.

Show comments