^

PSN Showbiz

GMA 7 mamimigay ng milyun-milyon!

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakatakdang mamahagi ng mahigit P15 million cash ang GMA 7 sa pamamagitan ng pinaka-bago at pinaka-engrande nitong promo campaign na Kapuso Milyonaryo!

Simula July 30 hanggang September 23, may labing-isang Kapuso ang mabibiyayaan at tatangghaling mga bagong milyonaryo.

May apat na idedeklarang surprise winners ng P1 million, at 35 weekly winners ng tig-10,000 pesos sa Kapuso Milyonaryo winners plugs na mapapanood sa GMA at GMA News TV (GNTV).

Bukod dito, may karagdagang 7 sponsor winners pa ang mag-uuwi ng P1 million each sa finale na gaganapin sa September 29 sa Manny Many Prizes.

Kaisa ng GMPI sa proyektong ito ang Globe prepaid, Rebisco crackers, Nescafe, 3 in 1, Nestea Iced Tea, Bear Brand, Busgo Family Cereal Drink, Yakult Probiotic Drink, at Crispy Fry Brea­ding Mix.

Para sumali, ipunin lamang ang mga Proof of Purchase (POP) requirements at ilagay sa isang envelope kasama ang papel na may pangalan, address, edad, contact number, at pirma.

Sa likod ng envelope ay isulat ang Kapuso Milyonaryo, brand ng POP, petsa, at lugar kung saan naninirahan. Para sa karagdagang mechanics sa pagpapadala ng electronic entries ay abangan lamang ang daily plugs sa GMA at GMA News TV na hatid ng iba’t ibang Kapuso stars.

Maaaring ihulog ang mga entries hanggang September 23 sa GMA Network Center, GMA Regional stations, GMA Radio stations, o sa mahigit 300 Mercury Drugstore branches nationwide as per DTI-NCR Permit No. 4687, series of 2012.

BEAR BRAND

CRISPY FRY BREA

GMA

KAPUSO

KAPUSO MILYONARYO

MANNY MANY PRIZES

NESTEA ICED TEA

NETWORK CENTER

PERMIT NO

PROOF OF PURCHASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with