^

PSN Showbiz

Coco mag-iipon muna nang mag-iipon bago mag-girlfriend

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Mainit na tinanggap ng mga indie fans ang pagbabalik ni Coco Martin sa isang indie film na dinirek ni Manny Palo at unang nakasama sa Cinemalaya Independent Film Festival na pormal na nagsimula last week sa Cultural Center of the Philippines at palabas din sa ilang commercial theaters sa Greenbelt, Trinoma at iba pa.

Sta. Nina ang titulo ng pelikulang nilabasan ng itinuturing na pinakamagaling na aktor ng kanyang henerasyon, at pinaka-awarded din. Sa kanya lamang mga teleserye ay napupuno na ang kanyang bahay ng mga tropeo at plake na kumikilala sa kanyang husay sa pag-arte. 

It was the first time na nagkagulo ang mga taong pumila ng mahaba at matagal para mapanood lamang ang pelikula ni Coco. Hindi sila nahiyang tumili, sumigaw, at humiyaw nang dumating ang aktor sa CCP. Nakalimutan ng lahat kung saan sila naroroon. Akala nila ay nasa isang mall lamang sila na ang pagsigaw at pagiging maingay sa presensiya ng mga artista ay isa na lamang ordinaryong tana­win at gawain. First time raw ‘yun sa kasaysayan ng Cinemalaya Filmfest sa taong ito na nagkaroon ng commotion at nakabibinging ingay sa pagdating ng artista. Kadalasan ay tahimik lang ang mga nanonood. Pero noong isang gabi, nawala ang poise ng lahat, everyone shouted Coco’s name, at hindi sila tumigil ng pag-iingay hangga’t hindi sila kinakawayan ng aktor from the second floor na kung saan ay may inihandang cocktails para sa cast at staff ng Sta Nina at mga piling panauhin. Nakita ko na dumating si Ms. Susan Roces, co-actor ni Coco sa Walang Hanggan. She came to support Coco and his movie. Nakita ko rin ang ilang mga piling director at artista na hindi kasama sa cast pero dumating in support of their colleagues. Bukod sa director ng pelikula na si Manny Palo, dumating din ang ilang bossing ng ABS-CBN para suportahan ang kanilang Kapamilya. Tulad nina Deo Endrinal at Cory Vidanes. Marami ring myembro ng press ang dumating para mapanood ang Sta. Nina. 

Co-producer din pala si Coco ng Sta. Nina. To be able to support direk Manny Palo’s first venture into a Cinemalaya event, hindi ito sumingil ng kanyang serbisyo. Halos libre rin ang serbisyo sa pelikula nina Alessandra de Rossi, Irma Adlawan, Angel Aquino, Anita Linda, at iba pang kasama.

Walang kaingay-ingay habang ipinalalabas ang pelikula na nakakuha ng inspirasyon sa isang tinuturing na milagro na naganap sa Italya nang mahukay sa kanyang kinalilibingan ang isang babae na hindi naagnas ang katawan kahit matagal nang patay at nakalibing.

SRO ang unang pagpapalabas ng Sta. Nina sa main theater ng CCP, hindi mahulugang karayom ang teatro na dinayo ng mga fans ng indie films, mga taga-industriya ng pelikula, mainstream man o indie, mga fans ni Coco na mula sa bata hanggang sa matanda, mga tagasubaybay ng pelikulang lokal.

Sinabi rin ni Coco na sa kabila ng tinatamasa niyang kasikatan ay nanginginig pa rin siya sa nakikitang pagtangkilik sa kanya ng publiko. Maganda ang ibinabadya nito sa tatlong taong absence niya sa indie films.

Matagal nang naghahangad na makasali sa Cine­malaya si direk Manny pero wala siyang makuhang prodyuser. With Coco’s help at dahil na rin sa may naipon na siya kung kaya naka-join siya this year.

Bago pumunta ng CCP si Coco ay dumaan pa muna ito sa simbahan ng Quiapo para magdasal. Isang deboto siya ng itim na Nazareno at dito siya madalas humiling ng pabor at never siyang pinabayaan nito.

Inamin ni Coco na gusto niyang maging prodyuser ng pelikula dahil pakialamero siya. Gusto niyang laging bahagi siya ng creative team at palagi siyang nagbibigay ng kanyang input.

Zero pa rin ang love life niya pero hindi siya nag-aalala. “Saka na, may panahon para rito. Sa ngayon sinasamantala kong mag-ipon. Sinasamantala ko ang panahon habang sinusuwerte pa ako. Baka hindi na ito bumalik pa,” paliwanang niya.

Mariah swak na kapalit ni Jennifer

Si Mariah Carey ang nakuhang bagong judge para sa American Idol. Hindi na masama dahil pareho naman silang sikat ng papalitan niyang si Jennifer Lopez. Ewan ko lang kung matutuloy din sa kanyang pag-aalis si Steve Tayler. Pero kung hindi magiging maganda ang kumbinasyon nila nina Mariah at Randy Jackson.

           

AMERICAN IDOL

ANGEL AQUINO

ANITA LINDA

COCO

MANNY PALO

NINA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with