^

PSN Showbiz

Jennylyn pumiyok na sa pagli-live in nila ni Luis

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Dahil tambak ang mga palabas tungkol sa show­biz at sa mga taong nagpapagalaw nito, mi­na­rapat ng GMA 7 na baguhin ang bago nilang pa­labas na magsisimulang mapanood sa Linggo, Aug. 5 at sa mga Linggong susunod. May mga ba­lita tungkol sa mga artista at sa mundong ginaga­lawan nila gaya ng pelikula, TV, tanghalan, at recording.

Sa pamumuno ng apat na hosts, dalawa ay mula sa nawalang Showbiz Central at ang dalawa, bagama’t matagal ng artista ay ngayon lamang napagkatiwalaan na mag-host ng H.O.T TV (Hindi Ordinaryong Tsismis) na bukod sa magbibigay ng mga ba­gong balita tungkol sa mundo ng enter­tain­ment ay magtatampok ng non-show­biz people and events at mga hindi ordinaryong kuwento nila kasama na ang mga supernatural events at in­ves­tigative reports - sina Jenny­lyn Mer­­cado at Raymond Gu­­tierrez, mga beterano ng Showbiz Central at ang Asia’s Songbird na si Regine Ve­las­quez at ang magaling na aktor na si Roderick Paulate.

First time ni Regine na mag-host ng isang show­biz news magazine program. Walang pressure kay Regine dahil ayon sa kanya isa siyang cer­tified showbiz tsismosa. At bilang paghahanda sa kan­yang pagsabak bilang host ng prog­rama, nagpapayat talaga siya ng husto.

Sa tulong ng South Beach diet na ibinibigay sa kanya ng Se­xy Chef, mga 25 libra na ang nawala sa kanya. Mga l5 pounds more pa at okay na siya. Saka niya babalikan ang kan­yang pagyo-yoga.

“Matagal kong pinag-isipan kung tatanggapin ko ang show dahil hindi pa ako nakakagawa ng ganito. Nang magsabi naman ako kay Ogie (Alcasid, her husband) sabi niya ‘why not?’ Every Sunday lang ito so I will still have time for Nate. At sa show, we will try to be more positive. Excited na akong marinig ang iba’t ibang opinyon naming apat,” sabi niya.

More on lifestyle naman ang ta­ta­lakayin ni Jennylyn. Kung may tsis­mis man siyang ibibigay, gagawin niya itong mas informative. Like may fea­ture sa show na isang marathon runner, sa­sabayan niya ang pagtakbo nito sa isang 2K run para lamang makausap ito at mai-feature ang kanyang sport.

Tinanggap naman ni Rode­rick ang project dahil hindi ito tsismis. Mga kakaibang pangyayari sa mundo ang assigned sa kanya at kahit showbiz ito ay carry din niya dahil minsan na rin siyang nag-host ng isang showbiz-oriented show, ang Showbiz Lingo sa ABS-CBN.

At si Raymond ay natutuwa dahil sa H.O.T TV ay tumaas na ang kanyang level bilang isang host.

“Exciting dahil may mga bago akong kasama at panibagong pagsubok para sa akin,” sabi niya.

Samantala, natatawa na lamang si Jennylyn sa balitang live-in set up na sila ni Luis Manzano.

“Hindi ito totoo, may bahay naman po ako at may anak. Hindi ako naniniwala sa ganitong arrangement,” reaksiyon niya na naghahanap ng panahon sa kanyang napakaabalang schedule para makabalik ng eskuwela.

Gusto niyang mag-aral ng culinary arts.

Regine aminadong matanda na, mahihirapan nang masundan si Nate

Ngayon higit kalian man ay nagpapasalamat si Regine Velasquez na hindi na-shelve completely ’yung movie nila ni Aga Muhlach.

 “Sayang naman kung hindi namin tatapusin eh napakaganda pala ng pelikula. At pasadung-pasado pa sa panahon ngayon. Akala ko kasi ay dated na. Ang cute namin dito ni Aga,” paunang sabi ng singer-actress-TV host.

Nakakaisang linggo na silang nakapagre-re­sume ng kanilang shooting ng nasabing pe­likula na pinamagatang Of All the Things. Tinata­wag itong epic ni Regine dahil wala pa siyang anak nang simulan nila ang movie.

“Ngayon ay nakakatayo nang mag-isa sa kanyang playpen si Nate. Na­untog na nga ito, buti na lang hindi malakas. Ina-allow ko rin siyang ma­tu­log na kasama ang yaya niya. Sabi ko chance ko na para makatulog ng diretso. Dati kasi sa umaga na lang ako nakakatulog. Mali pala ako, hindi ang baby ko ang nanibago kundi ako mismo. Mag-uumaga na akong nakakatulog,” kuwento niya sa press launch ng H.O.T TV.

Sinabi rin ni Regine na kahit itinuturing na nilang isang malaking blessing si Baby Nate, magiging masaya sila kung mabibigyan pa sila ng isa pang anak.

“Kung hindi okay lang. Matatanda na rin naman kami. Sobrang blessing na si Nate,” dagdag pa niya.

DAHIL

LEFT

NATE

NIYA

SHOWBIZ CENTRAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with