Sarah at Gerald may hinihintay pa!

Kailangan na sigurong laliman nina Gerald An­der­son at Sarah Geronimo ang kanilang relasyon. Obvious na obvious na ang closeness nila na hindi na nila maitatago sa likod ng sinasabi nilang pagi­ging magkaibigan nila. Wala nang gustong maniwala sa kanila.

Kayo naman kasing dalawa, bakit kailangan n’yo pang itago? O kung hindi pa kayo, ano pa ang hinihintay n’yo? I’m sure kapag sinabi n’yo ito sa parents ni Sarah, wala na silang magagawa.

Inip na inip na ang fans.               

Paulo at LJ malamang sumemplang ang career kapag naghiwalay

Sana hindi totoo na nagkakaroon ng gap ang relasyon nina LJ Reyes at Paulo Avelino. Masasayang ’yung ginawa nilang pakikipaglaban para sa kanilang pag-ibig, ito ay nung bago pa isilang ang dalawang taong anak nila na si Aki.

 Palagay ko nga ang bata ang nagbigay ng su­wer­te sa kanilang mga career. Afraid lang ako na baka sumemplang sila kapag naghiwalay sila. Ma­wa­wala ang suwerte. 

Hindi sa stem cell, Susan ipinagkakatiwala sa Diyos ang buhay

Hindi tulad si Susan Roces ng marami niyang kapwa artista na sumabak sa pagpapa-stem cell treatment na pag-iineksiyon ng dugo ng itim na tupa sa katawan para mapatagal pa ang buhay. Takot ang reyna ng pelikula na mas humaba pa sa itinakda ng Panginoon ang kanyang buhay.

Good for you, Manang Inday. Kahit marami kang anda (pera) na magagamit para sa makabagong proseso na ito ng pagpapagaling ng sakit at pagpapahaba ng buhay, ayaw mo. Tiwala ka na sa itinakda ng Diyos.

Richard at Jodi paborito ng mga maid of honor

Hindi lang dahil maaga pa ay nakabukas na ang TV set ko sa kusina para hindi ma-miss ng aking mga maid of honor ang panonood ng Be Careful With My Heart, kaya ako nakasisiguro na pi­na­nonood ang bagong primetime sa tanghali ng kabilang istasyon kundi ang pangyayaring makatapos nilang panoorin ang palabas na nagtatampok kay Richard Yap at Jodi Sta. Maria ay pinag-uusapan pa rin nila ito.  

Parang hindi sila kuntento na mapanood lang ito, kailangang pag-usapan at himayin din nila. At matataray ang mga maid of honor ko ha? Namimili sila ng panonoorin. At pinaka-pinanonood nila ang Be Careful with My Heart.

Show comments