MANILA, Philippines - Mabaho pa kaya hanggang ngayon ang pawis ni Direk tuwing papawisan siya sa gym?
Matagal-tagal ko ring nakasabay sa gym si direk. Pero sa tuwing makakasabay ko siya at nagka-cardio na sa treadmill, unti-unting nag-aalisan ang kanyang mga katabi dahil sa sobrang bantot ng pawis ni direk (kasama na ako doon).
Nang tanungin ko ang isang trainer kung ganun ba talaga ang amoy ni direk, ang sabi niya ganun daw talaga ang amoy nito simula pa noon. Tuwing papawisan na raw ito, talagang naghahasik ito ng baho sa buong gym.
Eh kung magbida pa naman si direk parang siya ang reyna ng gym.
Aktibo pa si direk at bigla ko lang naalala bilang madalas siyang magtaray. Sana lang bago siya magtaray, amuyin muna niya ang sarili pag nasa gym.
Hihihi.
The Healing ni Gov. Vi naka-a sa CEB
May mga pupunta pa kaya sa faith healers pagkatapos nilang mapanood ang The Healing? Malinis ang pagkakagawa ng pelikula na bida si Gov. Vilma Santos kasama sina Kim Chiu, Janice de Belen, Mark Gil, Martin del Rosario, Jhong Hilario, Allan Paule, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Ces Quesada, Ynez Veneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Joel Torre, Chinggoy Alonso, Mon Confiado, Carmi Martin, at Pokwang na graded A ng Cinema Evaluation Board.
R-18 ang napanood ko kaya medyo madugo pero pramis, nakakagulat ang mga pangyayari bilang hindi predictable ang mga eksena.
Nakakasindak talaga. R-18 ang tinawag nilang director’s cut.
May R-13 version din ang pelikula at maaaring mapanood ng mga batang 13 years old pataas.
Dinirek ni Chito S. Roño ang The Healing na magsisimulang ipalabas sa mga sinehan ngayong araw.
Kahit isang ina na, sasabak pa rin sa paseksihan si Denise Laurel sa pagbubukas ng Precious Hearts Romances (PHR). Wala siyang paki kahit pag-ilusyunan siya ng mga lalaki.
Wala naman siyang nakikitang masama kahit magpa-sexy siya.
Yup, ngayong Hulyo, bubuksan ang bagong pahina ng Precious Hearts Romances (PHR) para sa isang naiiba at mapangahas na kuwento ng pag-ibig sa pagitan ng estudyante at ng kanyang guro sa Precious Hearts Romances presents Pintada.
Bida ang nagbabalik-PHR na si Denise na minsan nang nagpainit sa PHR presents Midnight Phantom at leading man na sasabak sa kanyang pinakaunang sexy role sa telebisyon na si Martin Del Rosario (na magaling din sa pelikulang The Healing bilang anak ni Vilma).
Ito rin ang pagbabalik teleserye ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.
Ang kuwento : Sa paaralan pa lang ay pagnanasaan na ng pilyong si Sev (Martin) ang guro at iindahin ang agwat ng kanilang edad sa kanyang sobrang pagkahumaling sa dalaga. Iiral ang pagiging guro ni Lysa at hindi tatanggapin ang pag-ibig ng binata.
Kasama rin sa PHR presents Pintada sina Yen Santos, Lemuel Pelayo, Bernadette Allyson, Alma Concepcion, Ricardo Cepeda, Nikka Valencia, James Reid, Jess Mendoza, Eslove Briones, Deniesse Joaquin, Jommy Teotico, Chase Vega, Katrina Legaspi, Erin Ocampo, EJ Jallorina, Lui Manansala, Dolly Gutierrez, Buddy Palad, at Marky Roldan.
Magsisimula na ito sa Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng City Hunter Returns sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.