Paulo nagtago sa birthday ng anak nila ni LJ!

Last Sunday nag-celebrate ng kanyang 2nd birthday si Aki, anak nina LJ Reyes at Paulo Avelino sa Shakey’s E. Rodriguez, Quezon City (pero today ang actual birthday ng bagets). Sa picture na na-post ni Ryza Cenon sa Twitter, kitang Justice League ang theme ng children’s party, hindi lang namin alam kung present si Paulo dahil si LJ lang ang nakita naming may karga kay Aki.

Naikuwento ni LJ nang makausap namin sa presscon ng Intoy Syokoy ng Kalye Marino kung gaano kalikot ang anak. Ang hilig mag-tumbling ng bagets at minsa’y nakita niyang nag-headstand kaya sa sobrang nerbiyos, umakyat sa ulo ang puso niya.

 “Mommy” at “daddy” ang tawag ni Aki sa kanila ng ama at pinapanood sila nito sa TV. Isinasama rin niya ang anak sa Party Pilipinas ’pag guest siya at sayaw nang sayaw.

Samantala, marami sa mga nakapanood ng Intoy Syokoy ang nagsasabing may laban sa best actress si LJ sa husay na pagganap sa role ng pokpok na si Doray. Nagalingan sa kanila ni JM de Guzman si Direk Joey Reyes.

Tama si Boy Abunda na si LJ ang kunin sa role ni Doray at may pangako ito: “Gagawin ko ang lahat para malayo pa ang marating mo.”

Ibig sabihin, ipoprodyus pa niya ang Kapuso actress ng maraming pelikula.

Rachelle Ann may major concert na

Isa kami sa bilib sa husay na performer ni Rachelle Ann Go, kaya natutuwa kami na may major concert ito sa Sept. 19, sa Resorts World Newport Performing Arts Theater.

Billed R.A.G. o Rising Against Gravity ang concert directed by Rico Gutierrez at guests ang close friend ni Rachelle na si Sarah Geronimo at kasama rin ang kapwa taga-GMA 7 na si Regine Velasquez, kaya tuwang-tuwa na pumayag ang dalawa na maging part ng kanyang concert na siya rin ang producer. 

Curious kami, manood kaya si Christian Bautista at ang girl­friend nitong si Carla Duna­reanu? Pinanood ng dalawa ang Little Mermaid ni Rachelle Ann at dun yata unang nagkakilala sina Carla at Rachelle Ann.

Barbie nai-insecure sa lambot ng kamay ni Derrick

Sa tambakan ng basura sa Tumana, Marikina City ang location nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa Luna Blanca at kahit peke ang kinakalkal nilang basura, may umaalingasaw pa ring amoy. Pero wala silang reklamo’t kasama ’yun sa trabaho.

Ang reklamo lang ni Barbie, mas malambot sa kanya ang mga kamay ni Derrick. Sobra siyang insecure kung bakit nagkaganoon. Ngayon lang niya mas nakikilala ng husto ang young actor at mabait kahit sobrang kulit at ingay.

Ang adjustment lang niya sa kanilang tambalan, tumitingala siya ’pag kausap ito dahil mas matangkad sa kanya.

Eight weeks tatakbo ang Book 2 ng Luna Blanca kaya maraming araw pa silang magsasama ni Derrick at mukhang nagiging close na nga dahil kinunan si Barbie ni Derrick ng picture, ipinoste sa Twitter at ang caption ay maganda raw ang kapareha.

Show comments