Heart ikinahihiya!

Hay naku,

Heart Evangelista

, mukhang nag-akasaya ka lang ng oras kay Sen.

Chiz Escudero.

Ni hindi niya maamin-amin ’yung paglabas-labas n’yo. Kung aamin siyang lumalabas kayong dalawa ay hindi naman mangangahulugan na umaamin na rin siya na may relasyon kayo. He can always claim a friendly date. Pero in denial siya palagi.

Hindi ka ba nai-insecure, o naiilang na baka ikinahihiya ka niya? Then why go out in the first place, kung hindi n’yo naman mapapangatawanan kapag may nakakita sa inyong iba?

Angelica dapat magpasalamat sa nakabuntis

Hindi naman katapusan na ng mundo kung totoong iniwan si Angelica Jones ng nakabuntis sa kanya. Hindi lamang naman siya ang may ganitong kaso at marami sa kanila ang naka-move on. Isang magandang halimbawa si Andi Eigenmann.

Mabuti nga at maaga niyang nakilala ang pagkatao ng lalaking pinili niyang maging ama ng anak niya. She can always hope for a better man in the future. Pasalamat na rin siya na may iiwan itong anak sa kanya. ’Yun man lamang ay maituturing niyang pinakamagandang alaala ng isang umibig at nabigo na tulad niya.

Anne may world tour

Talagang pinangangatawanan na ni Anne Cur­tis ang pagkanta niya. Biruin mo, dadalhin siya ng boses niya sa mga bansang Hong Kong, USA, at Europe na kung saan ay tatangkain niyang maulit ang matagumpay niyang concert sa Smart Araneta Coliseum. Yes, hindi lamang mga Pinoy kundi maging ang mga dayuhan ay tatangkain niyang mapahanga sa kanyang pagkanta.

Wala namang takot si Anne sa gagawin niya. Mas natsa-challenge siya sa pangyayaring kahit sa panaginip ay hindi niya inaasahan na magtatagumpay siya. At bagama’t wala naman siyang ilusyon na Sarah Geronimo o Regine Velasquez siya, pumipili siya ng kanta na kaya niyang kantahin at ’yung bagay sa boses at edad niya. So far, she has been successful.

Show comments