MANILA, Philippines - Hatid ng buong puwersa ng GMA News and Public Affairs ang pinakakomprehensibong coverage ng ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngayong Lunes, July 23.
Simula alas-tres ng hapon, tampok sa SONA 2012 special coverage ng GMA 7 – sa pangunguna nina GMA News pillars Mel Tiangco at Mike Enriquez – ang pinakasariwang balita mula sa loob at labas ng House of Representatives. Kasama na rito ang mga inaasahang kilos protesta kaugnay ng SONA. Mayroon ding interactive na social media component ang SONA 2012 na magbibigay-daan sa publiko upang ihayag ang kanilang opinion tungkol sa SONA ng pangulo.
Pagkatapos ng live telecast, abangan sa 24 Oras at Saksi ang ilan sa mga pinakaimportanteng kaganapan sa buong maghapon kabilang na ang mga highlight sa speech ng pangulo pati na iba’t ibang reaksiyon tungkol dito.
Isang linggo bago ang SONA 2012, napapanood na rin sa 24 Oras at Saksi ang special reports tungkol sa mga ipinangako ni PNoy at kung alin sa mga ito ang naisakatuparan na. Naglabas din ang 24 Oras ng investigative reports sa naging paggamit ng pork barrel sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Samantala, magsisimula naman sa ganap na 2:30 ng hapon ang live coverage ng GMA News TV, ang SONA ni PNoy, na pangungunahan ni GMA News pillar Jessica Soho. Kasama ng live coverage ng speech ni PNoy ay ang mga makabuluhang analysis mula sa mga eksperto sa larangan ng national governance para mas maipaliwanag mabuti sa publiko ang report ng pangulo.
Mapapanood din ang mga pre-SONA reports at highlights sa Dobol B sa News TV, News to Go, Balitanghali, at News TV Live. Matapos naman ang live coverage, patuloy pa ring tututukan ng GMA News TV ang iba’t ibang mga pangyayari at reaksyon kaugnay ng katatapos pa lamang na SONA ng pangulo sa News TV QRT at sa flagship newscast nito na State of the Nation with Jessica Soho.
Mapapakinggan ang live radio broadcast ng SONA sa dzBB 594 kHz Super Radyo at mapapanood ang live streaming nito sa GMA News Online, sa www.gmanews.tv/livestream.
Makibahagi rin sa makabuluhang diskusyon sa Internet sa pamamagitan ng Twitter sawww.twitter.com/gmanews hashtag #sona2012 o di kaya’y sa Facebook account, www.facebook.com/gmanews.