Natapilok at muntik nang mahulog sa hagdan sa stage si Sarah Geronimo habang pababa at kumakanta ng And I Am Telling You sa repeat ng kanyang matagumpay na 24/SG concert na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado ng gabi. Last July 7, ang naunang concert.
Bukod sa muntik nang mahulog, tinamaan din siya ng pyrotechnics na ginamit nila sa stage. Pero parang walang nangyari, tumayo siya pagkatapos at tuloy ang pag-e-emote habang kumakanta ng And I Am Telling You na si Jennifer Holliday ang original na kumanta at sumikat din ang version nang kantahin ni Jessica Sanchez sa last season ng American Idol.
Kaya naman hiyawan ang buong Araneta sa ginawa ni Sarah na itinuloy ang pagkanta.
“Buti naman buhay pa ako. Buwis buhay ’yun. Mahirap ’pag mataas ang hagdan at may pyrotechnics. Buti naman at makakapag-celebrate pa ako ng 24th birthday ko,” natatawa na lang niyang reaction pagkatapos nang nangyari sa kanya kaya hiyawan na naman ang mga tao na dumayo pa rin ng Araneta sa kabila ng masamang panahon noong Sabado.
Samantala, wala si Gerald Anderson kaya naman nang kantahin ni Sarah ang It Might Be You na theme song niya yata sa aktor na parang karelasyon na niya, mga photos na lang nila ang ipinakikita noong first night ng concert nang kantahan niya ito. Pero aligaga pa rin ang lahat sa pagtili habang pina-flash ang mga photos nila.
May ilan ding part ng 24/SG noong July 7 ang hindi na isinama sa repeat nito last Saturday.
Iisa lang ang sinasabi ng mga nanonood: World class ang nasabing concert ni Sarah lalo na ang visual effects and graphics na first time napanood sa local concert.
As usual pasabog ang opening number niya at ang mga iba pa niyang kanta na sinasabayan niya ng sayaw.
Pagpapaka-beki ni Divine Lee kinaiinisan
Kung hindi siguro pino-flaunt ng socialite at nagpapaka-showbiz na si Divine Lee ang kanyang signature bags at ang mga travel kasama ang kanyang ka-live in na si Victor Basa, baka hindi siya napansin ng mga nagrereklamo at naghahabol sa kanyang ama na si Delfin Lee ng Globe Asiatique Realty Holdings Corp. na kasalukuyang pinaghahanap dahil sa mga nakuha umano nitong pera sa Pag-Ibig na hindi napunta sa mga totoong nag-loan at nagamit lang ang maraming naghirap magtrabaho sa abroad na OFW at nag-invest sa kanyang housing project.
Actually, marami akong kakilalang hindi type si Divine, kahit walang ginagawang masama sa kanila, dahil naaartehan daw sila sa nasabing socialite na nagpipilit magka-career sa showbiz.
Isa pang ikinaloloka nila rito ay ang pagpipilit nitong magpaka-bading at ang the height ay nag-miyembro pa sa organisasyon ng mga beki na Ladlad.
Ngayon inaapela ng mga nagrereklamo sa kanyang ama na balitang nakaalis na ng bansa na makasama siya sa mga kaso.
Napapanood sa shows ng TV5 si Divine.
Meron din siyang blog kung saan siya nagkukuwento ng kung anik-anik tungkol sa kanyang kasosyalan.
Tisoy na TV personality grabe kung magmura
Grabeng magmura ang isang TV personality na ang image na pino-project ay kagalang-kagalang. Kung maka-PI siya, ang lutong. Samantalang nagrereklamo lang naman siya sa isang telephone company bilang dalawang linggo na raw na hindi gumagana ang kanyang telepono at Internet sa bahay.
Inglisero rin si TV personality pero ’pag nagmura, in Tagalog para siguro mas masapol ang mga taong kanyang inaaway.
Napapanood ko siya sa isang news channel sa kasalukuyan. Tisoy siya ha?