^

PSN Showbiz

Angelica Jones siniraan ang nakabuntis, kinontra ang sinabi ng ina

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Pinutol ang live guesting ni Angelica Jones sa Startalk noong Sabado dahil overtime na ang aming show.

Nanggaling pa yata sa kung saan si Angelica kaya na-late siya nang dating sa studio ng Startalk. Nag-suggest ang aming staff na mag-phone-patch interview na lang siya pero mas type ni Angelica na umapir nang live sa TV.

Pitong buwan nang buntis si Angelica at umapir siya sa Startalk para pag-usapan ang kanyang kalagayan. Lalong nagmukhang petite si Angelica sa paningin ko dahil malaki na ang tiyan niya.

Naloka ako kay Angelica at sure na naloka rin ang televiewers sa kanyang mga rebelasyon.

Ang buong akala ng lahat, maayos ang relasyon ni Angelica sa ama ng kanyang magiging anak dahil may mga sinabi siya na magpapakasal at kung anik-anik pa. ’Yun pala, hindi sila magkasundo.

Isang konsehal sa Batangas province ang fadir ng ipinagbubuntis ni Angelica. Hindi sanay sa eskandalo ang mhin at kung napanood niya ang litanya ni Angelica, sure ako na nawindang siya.

Magugulo na ang mundo ng mhin dahil hinahanap na siya ng mga reporter na gustong ma-getlak ang kanyang panig tungkol sa mga akusasyon ni Angelica. Doktor at hindi basta konsehal ang mhin. Ewan ko lang kung patulan niya ang mga emote ni Angelica bilang may reputasyon at propesyon siya na dapat pangalagaan.

Unang nainterbyu si Angelica tungkol sa kanyang pagbubuntis sa burol ni Mang Dolphy. Kasama niya noon ang kanyang madir na si Beth Jones na ipinagmalaki sa mga TV reporter na doktor ang tatay ng magiging apo niya.

Mukhang proud na proud naman daw si Beth habang nagkukuwento tungkol sa kanyang hilaw na manugang kaya nagulat ang mga reporter nang malaman nila na may mga sentimyento si Angelica laban sa tatay ng coming soon na bagets.

Magkaiba ang statement ng mag-ina na hindi kataka-taka dahil iba rin ang mga pahayag nila noong nasangkot sila sa isyu ng pagbebenta ng mga tuko.

Aktres bumaliko na ang hugis ng ipinaretokeng ilong, ayaw pa ring aminin

Convinced ako na nagpatsugi ng ilong ang young actress dahil nagbago ang kanyang hitsura.

Napansin ko rin na biglang naging tabingi ang dating diretso na hugis na ilong ng young actress nang magkita kami kamakailan sa compound ng GMA 7.

Never na aamin ang young actress na meron siyang dapat ipagpasalamat sa doktor pero pupusta ako na ipinaretoke niya ang kanyang ilong. May mga tao na hindi kuntento sa kanilang hitsura kaya nagpaparetoke sila ng mukha. Sa kaso ng young actress, dati nang maganda ang kanyang face kaya hindi na siya dapat nagparetoke ng ilong. Sa true lang, mas maganda siya noon kesa ngayon.

AKTRES

ANGELICA

ANGELICA JONES

BATANGAS

BETH JONES

DAHIL

KANYANG

SIYA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with