MANILA, Philippines - Matapos ang matagumpay na selebrasyon ng ika-20th anniversary sa ASAP, handang-handa na ang mga artista ng Star Magic sa nalalapit na ika-tatlong Star Magic Games sa July 29.
Sa pagtutulungan ng Star Magic at Star Studio, muling magpupukpukan ang apat na koponan sa iba’t ibang laro tulad ng badminton, baskbetball, fun games, volleyball, dodgeball at marami pang iba.
Sina Empress at Yen Santos ng Yellow team, Coleen Garcia at Michelle Vito ng Blue team, Bianca Casado at Jessy Mendiola ng Green team, Sophia Andres at Kathryn Bernardo ang magagandang mga muses na mangunguna sa parade of colors.
Pangungunahan nina Angelica Panganiban, Matteo Guidicelli, Rafael Rosell, Ejay Falcon, John “Sweet” Lapus, Erich Gonzales, Kim Chiu, at Piolo Pascual ang larong badminton samantalang sina Jodi Sta. Maria, Nikki Valdez kasama si Kim ang magbibidahan sa volleyball game.
Tatlo lamang sina Bugoy Carino, Xyriel Manabat at Zaijian Jaranilla sa maglalaro ng pantintero at dodgeball kids edition kasama ang iba pang Star Magic kids. Sina Maricar Reyes, Kathryn Bernardo, Jayson Gainza, Kiray Celis, Enrique Gil, Melissa Ricks, Nyoy Volante, JM de Guzman, Martin del Rosario, Khalil Ramos, Melai Cantiveros, at Enchong Dee ang magtutunggali sa adult division ng dodgeball.
Dalawang laro ang nadagdag. Sasalihan nina Matt Evans at Kim Chiu ang larong Joust samantalang magpapasiklaban sina Joem Bascon, Joseph Marco, Carlos Agassi, Rayver Cruz, at Gerald Anderson sa Three Point King game.
Main event ang all-star basketball game kung saan nabuwag pansamantala ang Star Magic Team. Maglalaban ang koponan ng mga team captains na sina Xian Lim ng Blue Team, Zanjoe Marudo ng Green Team, Rayver Cruz ng Red Team at Gerald Anderson ng Yellow Team.
Bukod sa taunang Star Magic Ball, isa rin ang Star Magic Games sa inaabangan ng mga Star Magic stars. Mistulang isang holiday ang araw na ito kung saan mag-eenjoy at may chance ang lahat makipag-bonding sa mga kapwa artista.