Pinay na extra sa Bourne... pasok ang tili sa trailer

“Mga kapitbahay!!! Pulis!”

Ito ang tili sa teaser ng The Bourne Legacy na malapit nang mapanood sa buong mundo.

Ipinalabas na ang nasabing teaser sa mga local TV last week kung saan na feature ang Pinay extra habang isinisigaw ang nasabing words sa isang chase scene kasama sina Jeremy Renner at Rachel Weisz na kinunan sa isang masikip na daan sa squatteran sa Manila area.

Magkakaroon ng world premiere sa bansa ang nasabing pelikula bilang ilang linggo ring namalagi rito ang mga bidang sina Jeremy at Rachel para sa fourth and last installment ng Bourne spy thriller franchise.

Naging supportive ang Metro Manila officials sa cast and crew ng The Bourne Legacy na kahit nagkabuhul-buhol ang traffic ay pinayagan nilang isara ang ilang kalye para mas maging maayos ang shooting ng American film.

They wanted to convince big international movie outfits na location shootings are more fun in the Philippines.

Tingnan natin kung may mako-convince na ang iba pang international film outfits na mag-shooting dito after ng worldwide showing ng The Bourne Legacy.

Teenager na pinoy biktima sa massacre sa loob ng sinehan

Imagine this : nasa loob ka lang ng sinehan habang nag-e-enjoy sa panonood ng action thriller tapos biglang may pumasok sa exit door, nagtapon ng smoke canister at sinundan ng pamamaril sa mga nakikita niya sa loob ng sinehan.

Ganyang-ganyan ang nangyari sa isang sinehan sa Aurora, Colorado USA habang palabas ang Batman movie, The Dark Knight Rises na halos 15 minutes pa lang napapalabas nang sunud-sunod na putok ang pinakawalan ng gunman na tumagal ng 15 minutes. Agad na namatay ang 12 kataong nasa loob ng sinehan at marami pa ang mga nasa hospital at nagpapagamot.

Ayon sa report, ito na ang pinaka-worst mass shooting in the US in more than 60 years at hanggang ngayon ay nasa state of shock pa ang buong Amerika.

Dahil sa nasabing massacre, kinansela na ang showing ng pelikula sa ilang US theater. Takot ang authorities na magkaroon ng copycat attack.

Ang akala pala ng mga nasa loob ng sinehan, part ‘yun ng publicity stunt ng bagong edition ng Batman.

Armed ng assault rifle at several other guns ang namaril.

Naka-gas mask pa raw ito at may suot na bulletproof vest.

Ayon sa report ng TMZ, kasabay ng pamamaril ng suspek na si James Holmes ang malakas na music sa kanyang apartment kaya naman tumawag ang downstairs neighbor niya sa non-emergency police para i-report ang loud music.

At 24 years old lang pala itong si Holmes ayon sa report ng TIME. Nag-aral pala ang salarin sa University of California and “graduated from UCR with a BS in neuroscience in the Spring of 2010.” Ayon pa sa Associated Press, “Holmes was most recently studying for a PhD in neuroscience at the University of Colorado Denver, but withdrew from the program last month for unknown reasons.”

Wala rin naman daw itong criminal record noong nakatira pa sa San Diego area ayon pa sa report ng TIME.

Hindi rin raw papayag si US President Barrack Obama na walang mangyari sa nagkasala sa pamamaslang. “Michelle and I are shocked and saddened by the horrific and tragic shooting in Colorado. Federal and local law enforcement are still responding, and my Administration will do everything that we can to support the people of Aurora in this extraordinarily difficult time.

“We are committed to bringing whoever was responsible to justice, ensuring the safety of our people, and caring for those who have been wounded. As we do when confronted by moments of darkness and challenge, we must now come together as one American family. All of us must have the people of Aurora in our thoughts and prayers as they confront the loss of family, friends, and neighbors, and we must stand together with them in the challenging hours and days to come,” ayon sa statement ng pangulo ng Amerika.

Balitang may isang Pinoy na bagets ang natamaan ng bala at kasalukuyan itong ginagamot.

May Pinoy kayang makagawa ng ganyan? Susme ‘wag naman sanang itulot ng Diyos.

Kasalukuyan ring palabas sa bansa angThe Dark Knight Rises.

Anchor nasaktan nang punahin ang pagiging bulol

Grabe namang mag-report si Iya Villania sa Umagang Kay Ganda. Minsang nakita ko siyang mag-showbiz report, susme bulol na bulol.

Tagalog naman ang report niya pero over acting na parang slang kung magsalita.

Naalala ko tuloy ang anchor sa isang news channel. Nagkamali siyang batiin ako minsan sa comfort room ng kanyang kinabibilangang network. Since napapanood ko siya, may I say ako na : ‘uy minsan nabubulol ka.’

Naloka yata. After that iniirap-irapan na niya ako sa presscon.

As in dedmatology na ang drama niya na as if naman maaapektuhan ako.

Na-hurt-hurt siguro. Hahahaha.

Totoo naman kasi. Although now, nag-improve na siya. Nabawasan na ang pagiging bulol niya.

Wala namang masamang mamuna lalo na kung napapanood siya.

  • * *

salveasis@yahoo.com

Show comments