JM matagal nang pinagnanasaan si LJ

Isang indie film ang aming nai-produce kasama ang mga mabubu­ting kaibigang sina Boy So at Robert Bernardo, ang Intoy Syokoy ng Kalye Marino. Pinagbibidahan ang nasabing pelikula nina JM De Guzman bilang si Intoy at LJ Reyes bilang si Doray. Isang kakaibang love story na matipid sa kilig at sentimiyentong romantiko.

Isang magaling na magtatahong ang papel ni JM at isang prostitute naman ang papel ni LJ na pumapayag sa usapang ‘palit-isda’ sa mga katulad nilang mangingisdang isang-kahig, isang-tuka ang pamumuhay sa Kalye Marino, Cavite City.

Kilalanin natin si Intoy, na mula pagkabata ay may pagnanasa na kay Doray. Nagsumikap si JM para magkaroon ng sariling tahungan at para na rin maangkin si Doray.

Saan kaya hahantong ang kanilang pag-iibigan na sinubok ng tadhana?

Para ito sa 2012 Cinemalaya Philip­pine Independent Film Festival New Breed Section. Ginanap na kagabi ang gala premiere sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines.

Kasama rin sa nasabing pelikula sina Joross Gamboa, Arnold Reyes, Kristoffer King, Kenneth Salva, Roy Alvarez, Richard Quan, Angelie Bayani, Angela Ruiz, Justin De Leon, Ricky Pascua, Redgie Jimenez at Jacob Miller. Mula sa direksyon ni Lem Lorca, at si Jerry Gracio naman ang screenplay.

Maliban sa CCP ay mapapanood din ang Intoy Syokoy ng Kalye Marino sa iba’t ibang mga sinehan katulad ng Greenbelt 3 at Trinoma hanggang July 29.  Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments