MANILA, Philippines - Espesyal ang gabi ni Pops Princess Sarah Geronimo ngayong Linggo (Hulyo 22) sa Sarah G. Live! dahil makakasama niya sa kauna-unahang pagkakataon bilang guest co-host ang Drama Prince at malapit niyang kaibigan ngayon na si Gerald Anderson. Bukod kay Gerald, makikisaya rin sa pagpapatuloy ng month-long birthday celebration ni Sarah ang nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano para sa isang show-stopping world-class production number. Mas magiging espesyal din ang episode sa handog na King of Pop tribute para sa no. 1 idol ni Sarah na si Michael Jackson. Kasama pa rin ni Sarah ngayong Linggo ang resident dance royalty na si Gab Valenciano, co-host na si Luis Manzano, musical director Louie Ocampo, choreographer Georcelle Dapat-Sy, G-Force, at director Erick Salud. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng month-long birthday celebration ni Sarah sa trending at top-rating Sunday primetime show ng ABS-CBN, Sarah G. Live, 8:15pm, pagkatapos ng Rated K.