Pinarangalan si Cesar bilang isa sa mga outstanding alumni ng LPU.
Scene : Ang life story ni Venus Raj ang tampok ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.
Gagampanan ni Venus ang sarili.
Seen : Isang taon na ngayong July mula nang maghiwalay sina KC Concepcion at Piolo Pascual.
Hindi na naibigay ni KC kay Piolo ang coffee mug na may letrang P.
Scene : Ngayong gabi ang repeat ng 24/SG, ang successful birthday concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum.
Seen : Sina Gary Valenciano at Martin Nievera ang special guests sa silver anniversary concert ni Aiza Seguerra sa September 28, Smart Araneta Coliseum.
Twenty five-years old na ang showbiz career ni Aiza.
Scene : Hindi lumilipas ang isang linggo na hindi umiiyak si Sharon Cuneta sa afternoon talk show niya sa TV5.
Seen : Ang Facebook post ni Chito Alcid na humihingi siya ng donasyon o ‘konting limos’ para sa kanyang mga gagastusin sa kaso na isinampa niya laban kay Annabelle Rama.
Scene : Pinipilahan sa Metro Manila theaters ang The Dark Knight Rises na tatlong oras ang running time.