Pagda-drama ni Daiana hindi seryosohan

Ready na raw si Daiana Meneses sa mga dramatic role. Magiging effective na dramatic actress si Daiana kung hindi na siya bulol sa pagsasalita ng wikang Tagalog pero hangga’t hindi ito mangyayari, walang seseryoso sa kanya.

Movie may exhibit sa CCP

Nagbukas kahapon sa CCP Main Theater Lobby ang Alitaptap Kikilapkilap.., ang photo exhibit ng movie ads mula sa First Golden Years ng Philippine Cinema mula 1936 hanggang 1941.

Punong-abala sa photo exhibit ang banker na si Danny Dolor dahil mula sa kanyang pambihirang koleksiyon ang movie ads. Naisakatuparan ang photo exhibit dahil sa pakikipagtulungan ng Cinemalaya Foundation, Inc. at  CCP.

Pamilyar ang readers ng Philippine Star sa movie ads collection ni Papa Danny dahil natutung­hayan ito sa kanyang Remember When column tuwing Linggo.

Isinabay ang pagbubukas ng photo exhibit sa pagsisimula kahapon ng 2012 Cinemalaya Independent Film Festival.

Rita sinisiraan lang

Hindi totoo ang mga tsismis na gustong mag-concentrate ni Rita Avila sa pag-aalaga sa kanyang mga anak na manika kaya nag-goodbye siya sa Walang Hanggan.

Malinaw na paninira lang laban kay Rita ang tsismis dahil ang pananakit ng kanyang likod ang tunay na dahilan ng pagpapaalam niya sa sikat na teleserye ng ABS-CBN.

Inirerekomenda ko kay Rita ang stem cell therapy dahil baka makatulong ito para mawala ang pananakit ng kanyang likod. Good example si Lorna Tolentino na nawala ang pananakit ng balakang dahil sa stem cell therapy namin sa Villa Medica, Edenkoben, Germany.

Katarayan ng madir ng young actress pinatulan ng nanay ng inaaping young actor

Hindi uubra ang katarayan ng madir ng young actress sa tapang ng nanay ng young actor na inaapi niya.

Kung palaban ang madir ng young actress, hindi siya uurungan ng matapang na nanay ng young actor.

Napupundi na ang nanay ng young actor sa madalas na pambabastos sa kanyang anak ng madir ng young actress.

Hindi na puwedeng palampasin ng edukadang madir ang mga ginagawa sa kanyang anak na mabait at magalang.

Sa totoo lang, napakabait ng nanay ng young actor. Hindi siya matapobre, kahit may karapatan siya na magsuplada dahil mayaman ang kanyang pamilya.

Pero may hangganan ang mahabang pasensiya at kabutihan ng madir ng young actor, lalo na kung harap-harapan ang pambabastos sa kanyang anak.

Mag-expect tayo na magkakaroon ng part 2 ang bangayan ng dalawang madir kapag hindi nagbago ang pangit na trato sa young actor ng nanay ng young actress.

Host ng Eb Indonesia pinoy na pinoy

Pinoy na Pinoy si Leo Consul, isa sa mga host ng Eat Bulaga Indonesia. Malakas ang recall kay Leo dahil isa siya sa tatlong host ng Juan For All. All For Juan segment ng Eat Bulaga Indonesia.

Marunong magsalita ng Tagalog si Leo at fluent din siya sa Bahasa, ang lengguwahe sa Indonesia. Si Leo ang Paolo Bellesteros ng EB Indonesia at isinilang siya sa Bolinao, Pangasinan. Kopyang-kopya ni Leo ang pagsasayaw ni Paolo sa Juan for All, All for Juan.

Show comments