MANILA, Philippines - Mas pinanood ng mas maraming Pilipino ang kasong inimbestigahan ni Gus Abelgas sa unang pagtatanghal ng SOCO: Scene of the Crime Operatives sa pinaaga nitong timeslot tuwing Sabado ng hapon sa ABS-CBN.
Wagi ang SOCO na pumalo ng 13.6% na national TV rating kumpara sa 9.2% lamang ng kalaban, base sa datos ng Kantar Media na sakop ang parehong urban at rural areas sa bansa. Pasok din bilang ikasiyam na pinaka-pinanood na programa ang SOCO sa episode nitong itinampok ang isang sektang itinayo ng abusadong lider na pinaparusahan at ginagahasa ang mga debotong sumusuway sa kanya.
Panalo rin ang mga kasamang programa ng SOCO sa bagong news and current affairs weekend block ng ABS-CBN na Failon Ngayon (13.6%) at TV Patrol Weekend (21.1%) na tinalo ang mga kalabang programa.
Ngayong Sadabo (July 21) naman, uusisain ni Gus ang panggagahasa at pagpatay sa 18 anyos na dalaga sa palayan ng Camiling, Tarlac na ang mga pangunahing suspek ay pawang malalapit sa biktima – ang kanyang nobyo at tiyuhin.
Batay sa imbestigasyon, inilunod sa irigasyon ang biktimang si Mary Cris at posibleng ginahasa dahil sa mga nakuhang brief at isang pares ng tsinelas sa crime scene.
Sino nga ba sa dalawang suspek ang ituturo ng mga ebidensiya?
Katotohanan sa likod ng stem cell therapy, ibubunyag ni Boy Abunda
Tinungo kamakailan ni Asia’s King of Talk na si Boy Abunda ang bansang Germany para makapagpa-stem cell therapy ang kanyang ina na si Nanay Lesing. At ngayong Sabado (Hulyo 21), tatalakayin ni Boy sa The Bottomline With Boy Abunda ang katotohanan sa likod ng sumisikat na medical breakthrough.
Sa tulong ng urologist ng National Kidney and Transplant Institute na si Dr. Dante Dator, tuklasin ang dahilan kung bakit maraming tao, kabilang na ang mga sikat na political figure at showbiz personality, ang gustong subukan ang stem cell therapy. Paano ba ginagawa ang nasabing treatment? Gaano ba ito kaepektibo?
Stem cell therapy na nga ba ang hinihintay na lunas sa matitinding sakit ng mga tao tulad ng HIV at cancer?
Huwag palampasin ang talakayan tungkol sa stem cell therapy ngayong Sabado ng gabi, 11:30 p.m. sa ABS-CBN.